Mag-jowa. Complicated na magjowa.
Bakit sila "complicated"? Siguro yung isang partner may pag-aalinlangan na? Tapos yung isa naman ganun din? Yung parang nanghihinala? hmm..
Maaari yung isa umaasa pa. Siya yung tinatawag na MARTIR. Sa lahat ba naman nang pinagsamahan, basta-basta nalang maggi-give up? Hindi dapat noh.
Sa larangan ng isang relasyon dapat may tiwala. Dapat lahat totoo. Dapat may pagmamahal.
Kaya ayun, ng dahil nga sa pagmamahal na yan, naging martir. Kahit alam na nila na may mali na talaga sa relasyon, yung parang wala ng pag-asa? ayun tuloy pa rin ang kanilang pakikipaglaban kahit ang isa ay suko na. Isa sa reason nila ay yung mga pinaghahawakang salita at mga pangako. Pero ano nga ba ang salitang iyon kung hanggang don lang? Paano nga maging makatotohanan kung hanggang don lang?
Kaya naniniwala ako/tayo sa kasabihang: " Kung may salita dapat may gawa" (di ako sure kung tama ba ako, comment nyo nalang)
Dapat pinapakita natin ang importansya nila. Hindi yong paasahin lang. Kahit sa pagpapakita lang sa mga simpleng bagay, hindi naman siguro makakasira yun.
Pero yun nga , ng dahil sa mga paasang yan (nobyo/ya) ayun yung nangyayari. At itong bulag naman, ayon nagpapakamartir.
--crunky1019
Note: no offense sa inyo jan
BINABASA MO ANG
What Are Words
General Fictionwhat are words? ano nga ba ang mga salitang yan kung di naman napapatunayan? magiging tanga ka nalang nga ba? o gigising sa katotohanan na hanggang salita lang siya?