"Kung mahal mo talaga ang isang tao, hinding-hindi mo sya ipagpapalit sa anumang bagay. Kumbaga, SYA ang FIRST PRIORITY MO no matter what." ~ Chester
~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~
*Meera's POV*
"C'mon babe. Answer your phone..." bulong ko sa sarili ko.
"Meera, calm down. Nahihilo na ako sa kakapabalik-balik mo ng lakad eh." sabi ni Stephanie. Bestfriend ko.
"How can I calm down Steph? Nakakarami na akong tawag sa kanya. He don't answer my calls yet!" sabi ko.
"Bes, don't get me wrong ah? Nakakatatlong tawag ka palang. Hoy!" sabi nya. -w-" Ako na OA.
Tatlo palang talaga pala tawag ko sa kanya. -w-"
Ihhh, but still ba. Special day namin ngayon. He shouldn't forget it. _ _"
"Ihh, even though. 1st anniversary namin ito. Tapos hindi nya maaalala? Duh." sagot ko kay Steph.
"Ewan ko sayo bes. Sige go! Naka-unli calls ka naman. Go call him." sagot nito at isinaksak ang earphones nya sa tenga nya.
[The number you have dialled is now unattended. please try---]
Nakakainis na ah.
Calling Babe ko...
[Babe naman. Busy pa ako. Please don't disturb me.]
toot toot.
---
*Alfred's POV*
"Babe naman. Busy pa ako. Please don't disturb me." sabi ko sa tawag mula kay Meera at ibinaba na ito.
"Brad, nandyan na sub mo. Puntahan mo na si Meera." sabi sa akin ni Chester at tinuro si Miguel.
May laban kasi kami ngayon ng basketball. Falcons kalaban namin. Matagal ko nang hinihintay na makalaban ang mga yan. Once in a blue moon tumanggap ng hamon mga Falcons. Papalampasin ko pa kaya yung pagkakataong ito?