26: Feeling Inlove

2K 62 5
                                    

*Philip Point Of View*

Nagtaka ako kung bakit ako dinala ni Claris sa bahay niya yata. Pero napakalaki naman yata ng bahay na ito para sa kanya. At bakit naman siya hihiwalay sa mama at kuya niya. Mas maganda nga kapag mas kasama sa bahay.

“Dito ka lang kukunin ko lang yung first aid” sabi niya bago niya ako iwan.

Ginagala ko ang tingin ko sa bahay. Mukhang pareho lang naman ang bahay na ito sa bahay na tintirahan namin.

“Ano ba kasi talaga ang nangyari?” lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si Claris dala ang first aid habang palapit saakin.

“Napaaway lang kami sa kabilang gang” sinabi ko na dahil paniguradong kukulitin niya ako kapag hindi ko sinabi.

“Ah ganon ba. Ang bait naman nila. Hindi kayo masyado pinuruhan”

Umupo siya sa tabi ko at sinimulan na akong gamutin.

“Hindi kaba naiinip dito sa bahay mo?” tanong ko habang nakatingin sa kanya habang ginagamot ang pasa ko sa labi.

“Hindi bakit?” simpleng sagot niya na hindi man lang sumulyap saakin dahil sa ginagamot niya siya nakatoon.

“Bakit nahiwalay ka sa mama at kuya mo? Ang saya ka don”

“Mas masaya kaya dito”

Hindi pa rin siya sumusulyap saakin kahit saglit dahil nakatoon siya sa paggagamot.

Baka naman may asawa na siya at dito sila nakatira.

“Hindi kaya magalit ang asawa mo na pinapasok mo ako dito?”

Tumigil siya sa paggagamot at tumingin saakin “Nagpapatawa ka ba? Ako may asawa? Bata pa kaya ako para mag asawa” sabi niya at bumalik siya agad sa ginagawa niya. Lahat ng pasa sa mukha ko ginagamot niya.

“Eh sino ang kasama mo dito?”

“Yung mga kaibigan ko”

“Talaga? Akala ko pa naman may asawa kana. Pero paanong nangyari na sama sama kayo sa iisang bahay”

“Magkakaibigan ang mga magulang namin. Ang bahay na ito ay binili ng mga magulang namin para talaga saaming apat. Pero nalaman lang namin last month noong biglaan na paglipat namin”

Ngayon sa may bandang kilay naman siya gumagamot. Kaya masyadong malapit ang isa't isa saamin. Naamoy ko na ang mabago niyang hininga at ramdam ko na hininga niya. Pinagmasdan ko ang buo niyang mukha.

Dug*Dug*Dug*Dug*Dug*

Bakit ganito kabilis ang tibok ng puso ko? Natatakot ako na baka marinig ni Claris at pagtawanan ako. Bakit habang gumagalaw siya para slow motion. Nababaliw na ba ako? Anong nangyayari saakin?

Nagagandahan ako sa mga mata niya, matangos na ilong at mapupulang labi. Sa labi niya ako mas nagtoon. Parang tumutulak saakin na halikan ko siya kaya naman mas nilapit ko pa ang mukha ko sa mukha niya at doon ko na naramdaman ang malambot niyang labi.

10...

9...

8...

7...

6...

5...

4...

3...

2...

1...

O_O --------> siya

“Clar---” hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla niya ako sinapak “Aray! Hindi ka ba naawa saakin? Alam mo naman maraming pasa ang mukha ko dadagdagan mo pa” napahawak ako sa panga. Pakiramdam ko ang manhid manhid na ang panga ko.

“Gago ka pala! Alam mo ba first kiss ko yun! Kahit ex ko hindi pa ako na halikan!” akmang sasapakin niya ulit ako pero hindi natuloy dahil na hawakan ko ang kamao niya.

“Hindi ko naman sinasadya at ipapaalala ko lang sayo na first kiss ko rin ang nakuha mo”

Nagpupumiglas siya para mabitawan ko ang pagkakahawak sa kamao niya pero hindi niya nagawa makatakas.

Hinila ko ang kamao niya kaya naman na subsob siya sa dibdib ko. Mabilis ko siyang niyakap. Nagpupumiglas siya pero mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap sa kanya.

“Maaari ko ba hinaramin ang sandaling oras na natitira?”

Hindi ko na naramdaman ang pagpupumiglas niya kaya naman lihim ako napangiti.

“Baka hanapin tayo sa classroom”

“Ako ang bahala”

Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa ‘to pero gumaan ang pakiramdam ko dahil sa paghalik at pagyakap ko sa kanya.

Kissperine at Yakapsul lang pala ang kailangan para mawala ang sakit ng katawan ko.

*Tazel Point Of View*

Naiinis ako sa pangangasar saamin ni Nam at Margo kaya mas minabuti ko na lang lumabas.

“Tazel! Saan ka pupunta?” napansin yata ni Margo na lalabas ako ng classroom. Tumigil lang ako sa paglalakad pero hindi ko siya hinarap.

“Pupunta ako sa lugar kung saan tahimik at wala kayo” sabi ko bago ako lumabas na ng tuluyan sa classroom.

Hinayaan ko ang mga paa ko kung saan ako dalhin. Pero nagtaka ako kung bakit sa tapat ng library ako huminto. Dahil nandito lang naman ako pumasok na lang ako at humanap ng pwesto.

Nahagip ng mata ko si Gail na abala sa pag aaral. Ang sipag niya naman mag aral. Paniguradong may kalaban ako nito sa pagiging valedictorian. Tsk!

Aalis na sana ako dahil ayaw ko magpakita kay Gail pero napansin niya akong pumasok.

“Tazel! Halika dito” tawag niya saakin.

Gusto ko lumabas ng library pero yung sutil na paa ko ayaw lumakad. Lumakad nga siya palapit kay Gail hindi man lang palabas ng library.

“Anong nangyari sa mukha mo?” bakit parang gulat siya. Hindi niya ba nakita kanina. Baka naman hindi niya talaga nakita kasi malayo.

“Nagkaroon ng kunting masamang nangyari”

Ayaw ko sa kanya ipaalam dahil kahit malaman niya ang totoong nangyari alam kung wala lang sa kanya.

“Dahil ba kagabi kaya ganya mukha mo. Isa kaba sa sakay ng kotse ni Philip kagabi. Sinasabi ko na nga ba. Ang bilis kasi ninyo magpatakbo ng sasakyan yan tuloy naaksidente kayo. Patingin nga” hinawakan niya ang panga ko na may pasa.

*Dug*Dug*Dug*Dug*Dug*

Anong nangyayari sa puso ko? Bigla na lang tumibok ng mabilis habang pinagmamasdan ko ang mukha niya. Ang puso ko parang lalabas na sa dibdib ko. Anong ginawa mo saakin Vanessa Gail?

“Okay naman ako” inaalis ko yung kamay niya sa panga ko dahil nahihiya ako sa nakakakita. Mga chismosa at chismoso pa naman ng mga istudyante dito.

“Uminom kana ba ng pain killer?”

“Nakalimutan ko”

“Hindi ka niya gagaling agad. Mabuti na lang may dala akong pain killer” kinuha niya sa bag niya yung pain killer na dala niya “Ito inomin mo para mabilis kang gumaling” inabot niya saakin ang isang pirasong pain killer na agad ko naman tinanggap.

“Salamat”

“Sa susunod kasi maiingat kayo. Buti na lang talaga pasa lang ang nakuha mo”

“Opo mommy” pangangasar ko sa kanya.

Tiningnan niya ako ng seryoso at nakataas ang kilay “Hoy Tazel Paul hindi ako nakikipagbiruan sayo. Paano na lang kung malala yung nangyari sainyo. Dapat pala hindi na ako sayo nag aalala dahil ginagaw---”

Hindi ko na siya pinatapos magsalita dahil bigla ko siyang hinalikan sa labi. Nanlaki ang mata niya sa ginawa ko.

Ewan ko ba kung anong pumasok sa isip kung bakit ko ginawa yun.
Hindi ko nga na isip na marami pa lang nakatingin saamin.

AMAZONA vs GANGSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon