Completed

109 0 3
                                    

PhoneCall

Read The footnote okay? 

Enjoy!

_____________________________________________________________________________

Nakatitig ako sa Cellphone ko. Inaantay ko siyang tumawag.

Anniversary namin Ngayon. Pero bakit di pa siya tumatawag? Kinakabahan na ko. 

Nilalaro ko yung singsing na ibibigay ko sa kanya ngayon.

*bzzzt* *bzzzt* *bzzzt*

Nagulat ako ng biglang mag vibrate ang cellphone ko. Kaya agad ko naman itong sinagot..

“hello?”

“Bryle,asan ka na? Bakit wala ka pa dito? Don’t tell me nasa bahay ka pa? Kainis ka naman eh! Punta ka na dito. May surprise ako sayo dali! I Love You “

“J-Jane? S-s-sige papunta na ko dyan! I Love You”

Narinig ko pa siyang tumawa ng bahagya bago niya ibinaba ang linya

Nagmadali naman ako pumunta sa Hotel na tinutukoy niya sa akin nung isang buwan pa,Dun niya talaga gusto i-celebate ang anniversary naming dalawa. Kinuha ko ang coat ko at tatakbong pumunta sa Hotel. Wala na ako sa katinuan mag drive. Masyado akong masaya na kinakabahan na ewan. Basta mixed emotions.

*

Pag dating ko doon sa floor ng hotel room na nireserved ni Jane,nagulat ako. ANg daming pulis na nanduon sa labas ng hotel room namin ni Jane.

Bigla ako nakaramdam ng kaba,takot. Napatakbo ako papunta sa Hotel Room na yun.

“J-JAAAAAAAAAAAAAAAANE J-JANNNNNNNNNNNNNNNNNNNNE JANEEEEEEEEEEEE!” SIgaw ko habang pinipigilan ako ng mga pulis na pumasok sa loob ng Hotel Room, Hanggang sa Dinala nila ako sa Lobby ng Hotel at iniwan na dun.

 Nakakita ako ng Telephone kaya tinawagan ko yung Telephone na nasa Hotel Room kung asaan si Jane. Yung telephone may nakalagay na number’s ng bawat hotel room kaya di na ako nag atubiling tawagan ang hotel room niya.

Jane’s P.O.V

“Bryle,asan ka na? Bakit wala ka pa dito? Don’t tell me nasa bahay ka pa? Kainis ka naman eh! Punta ka na dito. May surprise ako sayo dali! I Love You “

“J-Jane? S-s-sige papunta na ko dyan! I Love You”

Naku! Yung lalaki talaga na yun! Kung hindi ko pa tinawagan di pa siya pupunta. Tsssk -_- Nakakatampo tuloy!

‘Ay grabehan si Kuya! Todo outfit! Kailangan naka Coat with Hat and Shades ang drama? Haha parang detective lang eh no? hahahah’ Naisip ni Jane ng may makasalubong siya na Lalaking balot na balot ang katawan

Nakaramdam naman ng kilabot si Jane ng magtanggal ng shades ang Lalaki at Tinitigan siya nito mula ulo hanggang paa.

Napatakbo si Jane papasok sa Hotel Room kung saan nanduon ang mga surprises niya para sa kanyang Nobyo..

“Dapat magustuhan niya tong Cake na ginawa ko. Nagkanda paso paso ako sa oven ng dahil dito!’’

*ring* *ring* Ring* *ring*

“Hello?”

“J-Jane?”

“Oh bakit Bryle? Asan ka na ba?”

*tok* *tok* *tok*

Napatingin si Jane sa pintuan ng may kumatok.

Bryle’s POV

*tok* *tok* *tok*

“W-wag mong bubuksan yungpinto Jane!”

“ano ka ba! Wag mo nga ako pinagloloko! Hahaha”

“J-Jane please wag mo bubuksan yung pinto”

“oo na! hahaha nakakatawa ka para kang adik!”

*tunog ng pintong bumukas* [A/N: Sensya naman! Di ko alam tunog ng pintong bumukas eh! Hahahah]

*boooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooog* [tunog ng mga kagamitang nabasag at bumagsak sa sahig]

“He-hello! Jane?  Jane! Jane?”

Dinial niya uli ang numero ng Hotel Room na kinaroroonan ni Jane

*Sorry the number yo-*

Dinial niya uli

*sorr-*

Nabitawan niya ang telepeno at bumagsak ang kanyang luha

“bakit ngayong anniversary pa natin? Jane wag mo ko iwan”

Kinuha niya ang panyo sa kanyang coat May nalaglag naman na card ng kinuha niya ang kanyang Panyo.

~ Hey! B. Happy Anniv! I Love You! Remember that okay? Hihihi

-Jane (June 3,2012)

*Click*

Napatingin naman siya sa orasan sa harapan niya.

3:00PM

2012,June 4

_____________________________________________________________________________

Read this first bago mag Comment 

This story is inspired by 2am’s YWAMC Music Video. So kung may KPOP Fan dyan at naisip na bakit may pagka similarity dun sa MV ng 2am,well yun po yung ginawa kong inspiration para sa Story na to :D

So ayun,thank you sa pagbabasa! ILY! :* hihihih

Comment ka naman oh ? 

-VanillaParadise <3

PhoneCall[OneShot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon