ALL PART

69 2 0
                                    

Hi, Kuya KHING. It's me again 🙂

Paki-post naman po ng story ko. Gift nyo nalang po sakin. Death anniversary po kase ng EX boyfriend ko. Thank you po. Paki-hide nalang po ng identity ko 🙂

Naaalala mo pa ba nung unang araw nang pasukan? naaalala mo pa kaya yung unang asaran? yung unang pansinan? yung unang ligawan? yung unang pagpaparaya? yung unang away? yung unang iyakan? Eh yung UNA AT HULING PAALAM? Madami akong tanong, tanong na alam kong kahit pumuti na ang buhok ko, hanggang sa maubusan nako ng hangin sa katawan at mapag iwanan na ng panahon, hindi parin masasagot. Kailan nga ba? Kailan nga ba nagsimula at nagtapos ang lahat?

Way back 2009. grade 5 tayo! Schoolmates, Classmates, Seatmates Hanggang naging so called "Soulmates". Dahil lang sa pagtawa mo kaya ako nainlab sayo. Oo ganun talaga! Bully ako noon eh, pero sayo lang! Haha. Bumuo tayo ng grupo, it composed of 5 girls and 5 boys. Magkakaiba tayo ng ugali pero nagkakasundo tayong lahat sa iisang bagay. Syempre! kopyahan haha. So yun nga, ilang buwan pa nakalipas niligawan mo ang Dyosa ng barkada, si Leann. Pero binusted ka nya! Bakit? Simple lang. Iba ang gusto nya. Sabi mo kung may liligawan ka ulit, sisiguraduhin mong sya na hanggang makatapos ka ng college. Haha nakakatawa kase grade5 palang tayo pero ganun na kalayo ang nalalakbay ng imagination mo. Nakabilog ang barkada sa loob room habang naka-indian seat lahat. Napag-spin the bottle tayo then tumapat sayo. Abby asked you a question "Nilo, kung may liligawan ka sa barkada. Sino sa amin at bakit?" How insensitive Abby. Tsk! Lahat sila naghihintay ng sagot mo tapos pag-angat ko ng ulo ko, nagkasalubong mga mata natin. Tumayo ka at lumapit ka sakin tapos "Cj, please be mine after 10years.." 😳 ganyan talaga mukha ko nun eh! Baliw ka. Hindi ako na-orient haha. Lumabas ako ng room kase parang hindi ako makahinga. After the day you confessed, lagi ka nang nakasunod sakin.

[FF] After 18 months, graduation na pero hindi parin kita sinasagot. Tatag mo! Yun na nga graduate na tayo. Tinanong moko kung saan ako mag-aaral then sabi mo dun karin. And tadaahh!! Star section ako tapos ikaw Last. Sobrang layo ng room mo, sa kabilang building pa. Almost 10 minutes na lakaran at akyat sa hagdan. Pero sumuko kaba? HINDI. Pag breaktime hinahatiran moko ng foods minsan sabay tayo treat mo. After class, may Journalism class pa ako pero nagtyatyaga kang maghintay ng almost 2hrs. Pag may projects, tinutulungan moko. I won't deny it! Since the day you confess, i wanted to say yes. If you only knew how much i admired you Nilo. Haha! After few months, Second year HS na. Same section parin ako at ikaw? Section 2 ka. Haha oo, matalino ka naman talaga tamad ka lang! Inspired ka eh. Chos! Same routine tayo like nung first year tayo. Pag may mga contests lagi tayong partners. Haha! Naalala ko pa nung first time kong madetention room dahil sa pangtitrip sakin ng classmate kong lalaki. Huhu!! Madilim sa detention room and i swear! Nakakatakot. Napatayo ako nung bumukas yung pinto at iniluwa ka nun. Ha? "Hoy kupal bakit nandito ka?" "Kasalanan mo" "Ha? Bakit naman ako?" "Hinanap kita, sabi ng classmate mo nandito ka daw kase pinagtripan ka nung abnoy mong kaibigan" "Oh. Paano ka nga napunta dito?" "Sinapak ko yun eh!! Binabastos ka kase!" Natulala talaga ako. The next thing i knew, nakayakap na sya sakin "Ok ka lang ba? Sinadya ko talaga mapunta dito kase alam kong takot ka sa madilim at sa maliliit na space.." Ang OA nya nuh? Pero totoo sinabi nya, takot nga ako sa maliliit na space at madilim na lugar, hindi kase ako nakakahinga. Yun ang first at last na pasok ko dun. Haha!! Nung natapos na kami sa Second year, sabi ko sa kanya uuwi ako ng Probinsya dun ako mag-aaral. Nung una ayaw nya pero dahil may promise kami. Pumayag sya tutal may tiwala daw kami sa isa't-isa. MU lang kami. Pero simula nun, hindi na kami nagkita, walang komunikasyon. Nakagraduate nalang ako sa HS pero walang araw na nagdaan na hindi ko sya naalala. After graduation, umuwi nako sa Manila. Nagpa-enrol sa isang University dito. First day of school, syempre hanapan ng rooms. Ako nalang tao sa hallway kase Late ako haha! Ang bait. Humarap ako sa bulletin board tapos dinikit ko yung daliri ko sa board habang yung mata ko naghahanap. Nang biglang may sumagi sa kamay ko. Tiningnan ko yung lalaki, "Nilo?" Nakatulala sya. Binatukan ko nga! Hahaha. "Uy Cj, kamusta na?" "ayos lang. Ikaw?" "Eto pogi parin. Haha" "Nilo, it's been 2years.." "Oo nga eh. Namiss kita" Tapos niyakap nya ako. "uy Nilo bitawan mo nga ako, hindi ako makahinga" "ay sorry" Yun binitawan nya naman ako. Tapos pumunta nalang kami ng cafeteria at dun nagkamustahan. Hindi na nga kami pumasok eh! Haha sobrang namiss ko sya. Nung uwian na, hinatid nya ako samin. Simula nung araw na yun hatid sundo nya na ako. Ginagawa nya ulit yung routine namin nung Highschool. Pareho kaming BSEd kaso major in Eng ako tapos sya Mapeh! Hindi parin kami nung time na yun pero yung pagiging maalaga nya, pagiging sweet, thoughtful, honest at pagrespeto nya sakin, sobra pa sa gawain ng boyfriend kaya minsan natatakot ako na magkagusto sya sa iba. Ilang months nalang sana tapos ko na 2nd sem sa 1st year college pero nagkaroon ng problema. Kinailangan kong huminto dahil sa family prob!

FF. So ayun kinausap kita, gusto mong magworking student para pag aralin ako pero hindi naman financial prob ko nun. Wala kang nagawa kundi yakapin ako, Yun naman talaga ang kailangan ko. Yakap ng isang kaibigan! sabi mo "Don' worry CJ, magtatapos ako. Tutuparin ko yung promise ko sayo then ikaw naman pag aaralin ko" magsasalita na sana ako pero tinakpan mo bibig ko "Sshh! Basta oo nalang cj!" Haha kulit! Tuwing uwian dumadaan ka sa bahay. Hinahatiran moko ng foods hehe! Almost perfect na sana tayo. Hanggang sa third year college kana. Konti nalang, 2years nalang magiging tayo na. Yey!! Lagi tayong magkasama pag vacant time mo. Madalas na bonding natin yung paggawa ng report mo. Sabi mo mahina ka sa Eng haha palusot!! Isang gabi, pumunta ka sa bahay. "Cj payakap naman" Niyakap kita kase ramdam kong may kakaiba sayo kahit na nakangiti pa. "bakit? anong nangyare?" pero hindi ka sumagot..Tapos umalis ka agad!

2 weeks have passed! wala kang paramdam. Hanggang sa pumunta nako sa inyo. Habang humahakbang ako palapit sa inyo, lumalabo ang paningin ko. Binabalot ng mga luhang gustong umagos. Gusto kong sumigaw! Pero walang boses na lumalabas sakin. Sana sinulit ko na, sana hindi kita hinayaang umalis..Sana niyakap nalang kita buong gabi! SANA HINDI KITA NAKIKITA NA NAKAHIGA AT INIIYAKAN PINAGLALAMAYAN!! Nakita ako ng kuya mo, alam kong nagulat sya pero bago pa ako makalapit sayo..Niyakap nya ako! "Kuya, Bitawan moko!" Hindi sya nakinig sakin kaya napalakas boses ko. Inaawat ako ng mga magulang mo. Sinamahan ako ng mama mo palapit sayo.."Cj, sorry hindi ka namin sinabihan" "Kailan pa po?" torete utak ko, wala ako sa katinuan alam ko. "Tatlong araw na. Depression kinamatay nya, binagsak sya sa major subj nya at pinahiya ng prof nila. Sinabihang hindi sya hahayaang grumaduate" YUN BA? yun ba yung gabing humingi sya ng yakap sakin? Natakot ba syang hindi matupad yung mga pangarap namin? Bakit hindi mo sinabi? Bakit hindi ka nagtiwala sakin? Bakit sinurpresa moko ng ganito? ANG SAKIT. Ang dami kong BAKIT pero kahit kelan HINDI NA MASASAGOT DAHIL WALA KANA EH! ang daya mo. Nung nilibing ka, nilibing ko narin yung karapatan kong magmahal. Simula nung mawala ka, manhid nako. Saan kana kaya ngayon? Sana nakikita moko. May anak nako, alam kong kung nandito ka siguradong hindi ako magkakaganito. Single mom ako! Hindi ko kahit kelan maisip na nagkaanak ako sa lalaking hindi ko naman kahit kelan minahal ng buo. Sana nandito ka, para may nayayakap ako sa tuwing nakakaramdam ako ng pag-iisa. SANA NANDITO KA PARA MAY NAKAKAINTINDI SAKIN. Miss na miss na kita. Walang gabing dumaan na hindi kita naisip at iniyakan. Oo matagal na, pero IKAW parin yung dreamboy ko. DREAMBOY lalaking imposibleng makasama ko. Salamat sa lahat! Sa mga tawanan, asaran, kulitan, instant gala, mga kalokohan, dramahan at iyakan. SALAMAT SA UNA AT HULING PAALAM.

PS: Hindi sukatan ang salitang "OO" para maipakita at mapatunayan mong mahal mo ang isang tao. May mga bagay na kahit walang kasiguraduhan, basta pareho kayong nagkakaintindihan. Pwede nyo yung panghawakan at maging masaya..

Sender:

Amihan 💔

2017

Others

CREATOR.KHING.


"UNA AT HULING PAALAM"Where stories live. Discover now