"There's a lover's moon tonight."
Inis na ipinatay ni Bliss ang stereo saka sumalampak sa mahabang sofa sa sala ng bahay niyang minana niya sa yumaong tiyuhin niyang walang naiwang mga anak.
Lovesong na naman. Kanina pa siya naririndi sa mga lovesongs na sunod-sunod na ipinapatugtog sa FM radio na paborito niyang pakinggan.
Para sa isang dating gothic-romance writer, siya na yata ang pinakakawawa pagdating sa lovelife. Dahil hindi lang siya NBSB as in No Boyfriend Since Birth. Ang kaisa-isa pa niyang natitirang manliligaw, dinakip ng mga pulis sa mismong gabing dapat ay sasagutin niya ito. Nabaril pa ito ng mga pulis dahil isa pala itong talamak na carnapper!
Kaya pala sandamakmak ang mga mamahaling kotse nito! Dahil lahat nakaw.
Ang mas masaklap pa, ka-partner pa pala nito sa business na iyon ang asawa nito! Hindi pa nga niya sinasagot, pinagtataksilan na siya nito sa loob ng tatlong buwan nitong panliligaw sa kanya!
O mas tama bang sabihing pinagtataksilan nito'ng asawa nito sa panliligaw sa kanya?! Basta taksil ito!
Akala pa naman niya, sa kauna-unahang pagkakataon ay magkakaroon na siya ng memorableng Valentine's Day! Dahil hindi na ang mga alaga niyang goldfish ang makakasalo niya sa
isang romantikong candlelit dinner for two kung sakaling sinagot na niya si Joel three weeks ago.
Ngunit mukhang parehong sistema pa rin siya sa darating na Valentine's Day! Ang lupit!
Siguro sinusunod ng tunay niyang buhay ang andar ng mga nobelang bago niyang isinusulat. Suspense-mystery thriller!
Ang pinakamasaklap sa lahat, isang buwan na lang bago mag-Valentine's Day!
"Ayoko na! Magsu-suicide na lang ako, Anna! Ang saklap ng buhay ko!" atungal niya sa matalik na kaibigang kausap sa bagong pakabit niyang landline telephone.
Eratiko kasi ang signal ng cellphone sa ilang parte dito sa lugar nila. Minsan malakas, minsan wala. Putol-putol ang dating ng pakikipag-usap mo sa tumatawag sa iyo at ang text, forty-eight years bago makarating sa tinext mo. Ang tanging lugar na may pinaka-stable na signal ay doon pa sa guardhouse.
Kaya naman nang magkaroon ng linya ng landline phones, isa siya sa mga nakipag-unahanang magpakabit ng telepono.
"May sumpa ba ang lovelife ko, Anna?!" pagpapatuloy na ngawa niya sa kaibigan.
Buti pa ito, happily engaged na sa FBI agent nitong nobyo. Kasalukuyan na itong naninirahan sa States kasama ng nobyo nitong si Mack Gallant.
"Ano ka ba, Blessilda?! Kung ngumawa ka diyan para
namang mahal mo talaga ang Joel na iyon. Akala ko ba sabi mo
lalaklak ka na lang ng merthiolate kaysa sagutin siya?!" sawata naman sa kanya ni Anna.
Saglit naman siyang natahimik. May punto ito. Sapagkat bukod sa mukhang stockholder ng lahat ng whitening products sa Pilipinas si Joel sa puti ng mukha nitong hindi tugma sa kayumangging kulay ng katawan nito, nuknukan pa ng kuripot ang mokong.
Saan ka ba naman kasi nakakita ng manliligaw na niregaluhan ng expired na fruitcake noong Pasko ang nililigawan niya? Tipong binigay lang din yata iyon dito noong Pasko two years ago pa at ni-recycle lang nang ibigay sa kanya. Mas nasiyahan pa siguro siya kung Christmas card na lang ang ibinigay nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
(COMPLETE) HOT INTRUDER-THE RECKLESS INTRUDER
RomanceNang mabalitaan ni Bliss na bumili ng bahay sa village na tinitirahan niya si North, naisip niyang gumawa ng paraan upang mapansin siya nito. She sent him gifts with cards saying they all came from his secret admirer. Subalit isang pagkakamali pala...