CHAPTER 7

3.4K 67 1
                                    


                                                "Ba-bye, Mr. Stanislao! Bye, Mrs. Stanislao!" masayang kaway ni Bliss habang nagja-jogging sila ni Kion palayo sa bahay nina Mrs. Stanislao.

"Do you really know every single person that lives in this

place?" untag ni Kion habang pinagmamasdan siya mula sa sulok ng mga mata nito.

Hindi tulad kahapon, medyo isinasabay na nito ang pacing ng takbo nito sa takbo niya.

Kakalampas lang nila sa bahay ng matandang mag-asawang Stanislao na abala sa pagha-hardin. Malayo pa lang sila ay kinakawayan at kinukumusta na siya ng mag-asawang kapwa abogado bago magsipag-retiro dito sa High Hills. Kaya naman kahit halata niyang tutol ang loob ni Kion na huminto sa pagja-jogging, huminto pa rin siya.

"Pwede ka nang mauna. Susunod na lang ako sa iyo," aniya dito.

Pero sa halip sundin siya, matiyagang hinintay nitong matapos ang mahigit kinse minutos nilang pag-uusap ng mag-asawang nakatira sa kabilang street ng street na kinaroroonan ng mga bahay nila ni kion.

At bago iyon, tsinika din niya ang newspaper boy na regular

na nagdi-deliver ng mga dyaryo sa buong subdivision. Pati na ang magtataho na suki niya at palagi talagang dumaraan sa harap ng bahay niya tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.

Sa lahat ng iyon ay humihinto siya pag-jogging upang makausap ng maayos ang mga kaibigan. Hindi naman niya gustong abalahin ang schedule ni Kion kaya hindi niya ito pinipwersang huminto din at hintayin siyang matapos sa pakikipag-usap sa mga kakilala. Subalit kahit sinasabihan naman na niya itong mauna na, hindi pa rin ito umaalis sa tabi niya.

Hindi niya alam kung bakit pero tila ikinagugulat nito sa

tuwing babatiin siya ng mga taong nakakasalubong nila. Para itong batang namamangha na tahimik na pinapanood lang siya sa masayang pakikipag-kamustahan niya sa mga kaibigan. Tuloy natutukso siyang isipin na baka wala itong malapit na kaibigan kaya ganoon na lang ang reaksyon nito.

"Hindi naman lahat. Iyong bagong lipat doon sa Carnation Lane hindi ko pa kilala. Pero nitong Linggo, papasyal kami nina Mrs. Stanislao doon para magdala ng home-cooked meals at makipagtsikahan," sagot niya sa puna nito ukol sa pagiging over-friendly niya.

"And I bet it's your idea," komento nito.

"Well, oo. Kasi ang pangit naman kung hindi natin sila iwi-

welcome dito sa village 'di ba? Nasa iisang lugar lang tayo, dapat kahit paano kilala natin ang mga nakatira sa mga bahay sa paligid natin. At kung kilala na natin silang lahat eh di hindi mo na masasabing may estrangherong pagala-gala sa paligid mo, hindi ba? Lahat na kasi kaibigan mo.''

''Disney would love to have you work for them. You're the perfect believer of happy endings and of pople having hearts of gold instead of hearts filled with greed," komento nito sa tonong hindi niya mahusgahan kung sarkastiko o nagbibigay lang ng opinyon.

Matamang tinitigan naman niya ito.

"What?" untag nito nang masulyapan siya mula sa sulok ng mga mata nito. Dahan-dahan ding bumagal ang pagtakbo nito hanggang sa tuluyang huminto at humarap sa kanya. "Why are you looking at me like that? Naging kulay green ba ang mukha ko?"

"Di ba ipinanganak kang mayaman? Kilala ang mga Navarre dito sa Tagay-Tagay dahil sa mga lupain ninyo dito at sa paggawaan ninyo ng kape. Granted, hindi nga kasing-yaman ng mga Campbells ang pamilya mo, North, pero mayaman pa rin kayo," aniya dito na sinadya pang diinan ang pagbanggit sa pangalan ni North sa pagbabaka-sakaling maipaalala niya dito ang totoong katauhan nito.

(COMPLETE) HOT INTRUDER-THE RECKLESS INTRUDERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon