Introduction:
Hi Reader, ako nga pala si Sylvert, 28 yrs old, taga Biñan Laguna, Vocational Graduate, part ako ng Media Ministry sa church namin.
Kaunting kwento:
June 2011 ko nakilala at tinanggap si Jesus. Dati may iba akong paniniwala, noong 2011 naniniwala naman akong may Diyos pero in different way (doctrine) tapos nung time na yon naghahanap ako ng trabaho, tapos biglang nag-chat yung classmate ko nung elementary kung naghahanap nga daw ako ng work, so I said yes, yon nagkita kami to cut the long story short na-invite niya ako into business, so ayon nag business nalang kami, tapos sa loob ng business may nag-bibible study sa kanila, my classmate approach me twice to attend the cell-group, syempre ni-reject ko.
But then. Si Lord talaga gagawa at gagawa ng paraan para makilala mo siya m, one tuesday evening (kasi every tuesday yung cell-group nila) naulan. (Just imagine) may kinausap kaming tao about business, then may kaunting training then tapos na, kaso that time may pinagdadaanan ako, nag-away kami ng nanay ko, sobrang sama ng loob ko, syempre ayoko pang umuwi, kaya parang no choice nag stay muna ako sa office, tapos biglang may pumasok sa pinto at ang daming tao, tapos gulat na gulat sila sakin, tinanong nila ko kung sasama ko sa bible study nila, syempre masama loob ko non, kaya parang napilitan ako at nasabi ko "pwede ba akong sumama muna?" Yes of course they accepted me.
Then the rest is history, nainvite ako sa church, I accept Jesus as my Lord & savior, na-encounter ko si Lord, dumaan sa process, naging cell-leader, nagka-cell group, nagkaministry & still on training.
Dito ko gagamitin yung "you have turn my mourning into dancing" kasi totoo naman kapag tayo may sama ng loob parang lahat ng bagay na nakapaligid sa atin ay hindi natin ma-appreciate, at madalas yung kimkim ng sama ng loob ay nagiging hobby natin, yung tipong ang sarap-sarap mag-emo at makinig nalang ng music na hardcore, emo-screamo, at kung ano-ano pang kanta na tungkol sa sakit, hapdi, at pasakit.
Pero yung moment kong yon ginamit ni Lord para gumawa ng isang magandang bagay sa madilim kong buhay non. "Hindi Ko Akalain" na makikilala ko si Lord at tatanggapin niya ako sa kingdom niya, yung parang "AKO NA MARAMING SAMA NG LOOB" tatanggapin mo at gagamitin mo sa maraming tao para ma-encourage at tanggapin rin si Jesus Christ sa buhay nila, at magamit yung buhay mo bilang living testimony.
Hindi ko akalain na tatanggapin pa ako ni LORD, sa kabila ng mga ginawa ko in the past pero He still accept me!
Anyways yan yung kwento kung paano ko nameet si Jesus, ikaw na nagbabasa nito share mo rin kung paano mo nakilala at tinanggap si Jesus para makilala rin kita, tapos gawin natin yung verse na ito:
Philippians 2:4
not looking to your own interests but each of you to the interests of the others.
![](https://img.wattpad.com/cover/129302719-288-k100230.jpg)
YOU ARE READING
Road to Epic: Mga Hindi Akalain Moments with God
SachbücherI believe isa tong kwento I believe mapapaisip ka I believe isa tong encouragement sa akin Ito ay ROAD TO EPIC.