Chapter 4

7 1 0
                                    


"Sabi nila kung mahal ka babalikan ka,sabi ko naman kung mahal ka hindi ka niya kayang iwan"

Ella POV

Nakabihis na kaming pito, hinihintay nalang namin si Elijah.

"Bat antagal ni Elijah?" sabi ni Jamie

"Kaya nga eh,Myghash" sabi ni Sarah

*BEEP* *BEEP*

"Sakto andyan na si Insan" sabi ni Mary

Lumabas na kami at nauna na ang anim sa school.Nakita ko si Elijah sa labas ,nakasandal siya sa pintuan ng kotse niya.

"Andyan ka na pala tara na" sabi ni Elijah at binuksan niya pintuan ng Passenger Seat at sumakay na ako.Antahimik kaya napagisipan kong magsalita at unexpectedly nagkasabay kami.

"Elijah/Ella" sabay naming sabi at napatingin kami sa isa't Isa.Si Elijah napatingin sa harap dahil nagdadrive siya.

"Ano sasabihin mo?"sabay nanaman kami

"Hindi mauna kana,ladies first" sabi ni Elijah

"Ah,Ano kasi bat ang tahimik mo ata ngayon at kahapon?" nagtataka na sabi ko

"Ah,Kahapon kasi sumakit lang bigla yung ulo ko,ngayon?Ah wala lang hahaha ,bakit?" sabi niya na medyo natatawa na ewan ko ba

"Eh kasi ang energetic mo kahapon,Tapos ngayon parang ang awkward natin" sabi ko na nahihiya

"Ah,haha sorry,sumakit lang katawan ko" sabi ni Elijah at sabay kamot sa ulo

"Sorry ah,Nadamay ka kita sa problema ko" sabi ko na malungkot na boses

"Okay lang" sabi niya

Sakto namang nakarating na kami sa school at usual ganun parin ang set up dapat sweet kami.

Elijah POV

Hello guys,I'm Marc Elijah M. Alcantara. I know that you know me.So eto na nga

Pagkahatid ko Kay Ella sa room nila hindi ako dumiretso sa room ko kundi sa tambayan naming magkakaibigan.May mga kaibigan ako sila sina Ralph Cedric Ford,Christian Jerry Sanchez, Vince Joshua Stanford and Rafael Joseph Aguirre. Sakto namang pagdating ko andun na sila.

"Pre,kamusta ngayon ka lang ulit dito ah" sabi ni Ralph

"Kaya nga,hindi mo sinabi kayo na pala ni Miss Perfect(Ella)"  sabi ni Vince

"Hindi namang kami,nagpapanggap lang kami para pagselosin ang ex niya" sabi ko na malungkot

"Sino?! Si Mark?" Tanong ni Christian

"Oo mga Pre,ansakit mga pre" sabi ko

"Bat ka pa pumayag diyan?" Sabi ni Rafael

"Pag mahal mo ang isang tao gagawin mo ang lahat,kahit masakit sayo,dahil gusto mong nakikita ang mahal mo na masaya" seryosong sabi ni Ralph

"Wohhh,WOW(Words of Wisdom) " sabi ni Vince

"Hayst mga pre,Masaya ako kapag kasama ko siya pero ansakit lang makita kung paano niya tignan si Mark ansakit lang" sabi ko

"Pre,2nd day niyo palang ngayon nahihirapan kana?Paano nalang sa susunod diba?" Alalang sabi ni Rafael

"Alam ko na!" mabilis na sambit ni Christian

"Ano?!" sabay sabay na sabi naming apat

Kwinento na ni Christian ang Plano niya

–—————————————————
–—————————————————

Ano kayang balak nila?

ShortUD

Read the next chapter😘

Please Vote and Comment

Mahal Mo? o Mahal Ka?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon