Reminder: Sinulat ko lang 'to out of my boredom. And here it is! Feeling ko basura lang 'to. Hahahaha! Don't expect anything, baka mayamot ka lang. Haha! Kung ayaw mo basahin 'to, di wag mo! :D *peaceout*---------------------------------------------------------------------------------------
KUNG AYAW MO, DI WAG MO! (ONE SHOT)
"Ayoko!"
Ayan na naman siya sa favorite line niyang Ayoko. Ganito ba talaga kapag nagka-girlfriend ka ng masungit at suplada? Badtrip naman talaga oh. Puro na lang Ayoko ang sagot.
"Dali na Ayu, 1 hour lang naman eh." Pagpupumilit ko sa kanya.
Kung nakakamatay lang ang masamang titig, siguro kanina pa ko nailibing. "Puro na lang DOTA yang inaatupag mo. Imbis na mag-aral ka dahil malapit na ang midterms ganyan ka pa?!" Pabulyaw niyang sermon sa akin.
"Oo na sige, hindi na po." Ano pa nga bang magagawa ko? Siya ang batas ehh, bawal kumontra. Baka ma-wrestling lang ako ng bayolenteng babae na yan.
Tatlong taon na kaming mag-boyfriend girlfriend pero di pa rin kumukupas yung kasungitang taglay niya. Araykupo! Hanggang kailan ba ko magtitiis sa ugali ng babaeng yan? Ayumeeh Reevas, magbago ka naman na ohhhhh. Hayst!
Naglalakad ang isang gwapong nilalang sa hallway ng Trinity building para puntahan ang isang magandang dilag na nababagay lang sa kanya at wala ng iba pa. Weetweew! Daming chicks sa paligid-ligid. Ganito ba talaga kapag gwapo? Habulin ng chicks? Syempre! Sino ba namang hindi mapapakagat labi sa isang kindat ni Isaiah Monteclaro dba?
"Aray!" Nawala ako sa concentration sa pagpapapogi sa mga kababaihan ng bigla akong batukan ng isang amazonang babae.
Nakapamaywang siya sa harapan ko. "Kapal ng mukha. Ako ba pinuntahan mo dito? O yang mga yan?" Sabay baling niya sa mga chicks.
"Syempre ikaw." Inakbayan ko siya, Di na siya nakapalag dahil di hamak na mas matangkad ako kesa sa kanya.
Tinangay ko na siya papunta sa cafeteria. Successful ang report ko sa Management subject namin kaya ililibre ko ang girlfriend ko. Kailangan naming mag-celebrate. Hahaha. Minsan lang yan.
"Wag mo nga ko kaladkarin! Saan ba tayo pupunta?" Sigaw niya sakin.
Etong babaeng 'to lagi na lang nakasigaw. "Sa cafeteria, obviously."
Inismiran niya ko. "Ayoko kumain."
"Huh? Bakit naman?"
"Eh ayoko ehh." Ayaw daw pero di pa tumitigil sa paglalakad. Sumasama pa rin sakin.
"Dali na Ayu. Kahit drinks lang." Pilit ko sa kanya.
Bumuntong hininga siya. "Ayoko nga sabi! Wala akong gana kumain!" Bigla niyang kinalas yung pagkaka-akbay ko sa kanya at iniwan akong laglag ang panga dahil sa pagsigaw niya.