xi

121 7 2
                                    





--

"Sorry po talaga" sabi ko at bow ako ng bow sa harapan nila

Haaaay. Nagquit kasi ako mga bes. Ayoko. Di ako tatagal kung sya ang kasama ko sa set. Sa isang kwarto nga lang na kami lang dalawa, pakiramdam ko maso-suffocate na ako pano pa kaya kung magkalapit na kami at kung ano pang ginagawa ng magbestfriend! Susko mga bes! mag aacting akong bestfriend ng ama ng anak ko?! No waaaay!

"Baekhyun, ni hindi ka pa nga nag uumpisa! Hindi mo pa natatry umarte tapos aayaw ka na?!" Hiyaw ni direk saken

Nalamukot naman ang mukha ko huhu napansin ko naman na abot ang buntong hininga ni Park sa gilid ni direk, buset nato!

"Sige, umuwi ka na!"

hay salamat!

Agad naman akong nagtungo sa tent at niligpit ang mga gamit para maka alis na.

"Talagang iniiwasan mo ako?"

Aba malamang tangina mo ba ikaw ba naman anakan at iwan tapos ipagpalit sa babaeng walang boobs- gagi ako din pala wala pero tangina ginago gago nya tapos gugustuhin ko pang makasama sya? Ulol dibale nang mangalakal nalang ako!

Humarap ako sakanya at umirap

"Di pa ba halata? Sa totoo lang ayoko nang magkaron ng koneksyon sayo o makita ka manlang dahil talagang nanggigigil ako kapag nakikita kitang ulupong ka"

"Baekhyun kung tungkol 'to sa ginawa ni Nana-"
Akma nyang hahawakan ang kamay ko ngunit agad kong iniwas ang sarili ko at tumalikod, naglakad palayo habang kumakaway sakanya ng patalikod

"Sana hindi na ulit magkrus ang daan natin, Park" kasi sa susunod na magkita tayo tangina mo baka makita ko nalang ang sarili ko na nakaluhod sa harapan mo at nagmamakaawang huwag mo akong iwan at ang anak ko.. this is what i hate to myself. Im just easy to give in lalo na kung kay Park Chanyeol.

Ayoko nang magpakatanga pero sa tuwing nakikita ko sya hindi ko mapigilang maisip na kausapin sya at magmakaawa na balikan nya ko.

Napansin ko namang nagriring ang phone ko, agad ko itong sinagot

"Hello?"

[baekhyun?! Nasa ospital kami b-baek!!]

"A-ano?! Sino nasa ospital kyungsoo?! Umayos ka nga! Wag kang umiyak dyan tangina mo!!"

[si Chanhyun kasi Baekhyun! N-nahirapan syang hu-huminga kanina kaya dina-]

"P-papunta na ko dyan,soo"

Pinatay ko ang tawag at tumakbo sa tent para kunin ang gamit ko, tinawag pa ko ni Hera pero mabilis akong lumabas at pumara ng taxi.

Kung pwede ko lang kuhanin ang sakit at hirap na nararamdaman ng anak ko ngayon ginawa ko na. Sana, sana ako nalang ang naghihirap sa sakit nya. Sana ako nalang. Bata pa ang anak ko, hindi ko ata kakayanin pag nawala sya saken. Pinunasan ko naman ang luha ko, kailangan kong maging malakas para samin ng anak ko. Dibale nang mawala ang lahat sakin wag lang sya.



--

mine alone ; chanbaek [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon