Kabanata 1

10 0 0
                                    

Luna's Pov

Sa Manila ako ipinanganak at sa manila din ako nagkaisip.Hindi ko masyadong pinapahalagan ang lugar namin hindi ko masyadong inuusisa ang bawat lugar o pinupuntahan ang mga sikat na pasyalan dito. Ang gusto kolang gumala ng gumala tuwing gabi kasama ang kaibigan.

"Ginabi kananaman!"Bungad sakin ng nanay ko ng nahuli nya akong kakauwi kolang.11pm na kaya akala ko tulog na sila pero nagkamali ako kaya eto talakan nanaman.

"Buti nga hindi inumaga"Sarcastiko kong sabi at pumunta na sa kwarto.Dahil wala din naman ako sa mood para makipagdebate kay mama.

Naligo muna ako pagkatapos ay nag-gm na bago matulog.Meron kaming clan.Ang aking tag name ay Misx Mhaldita.

"Aba ang aga mo magising"Puna sakin ng nanay ko.Umupo ako at inilagay ang paa ko sa mesa tinignan ko ang orasan at 11 am palang pala madalas kasi ang gising ko mga hapon na.

"Shempre maaga ako umuwi"Yap.Hindi ako marunong gumalang o gumamit ng po kay mama kahit na hindi naman sya nagkulang sa pangangaral sakin.Ako lang talaga ang nagkulang.11pm nako umuwi kagabi at maaga na para sakin yon.

"Kasama mo nanaman sila Sheena noh?Nagpunta sila dito kanina at halatang posturang postura nanaman sila at gagala nanaman mga ba-."Hindi kona pinatapos si mama at nagmadali kong kinuha ang universal at tinanggal ang battery para isaksak sa cellphone ko. Nag open naman agad ang cp ko kahit 1bar palang.

Sheena: (Misx LhaTicKer4)

--*
,GaLings Kam! dy4n kAn!nA nI Paulina Cutesx.Peo TuLoq Kh4pAdaW sAbi Mam4 m0 Eihhhhhhhh.........

"MAMA BAT DIMO AKO GINISING?"Padabog akong bumaba sa hagdan.Nakakainis alam kong may kameet up sila Sheena at ako tuloy ang naiwan mag-isa!!!!

"Hoy bata ka aasahan mopang gisingin kita? Parang sinabi monang suportahan kita sa kalandian mo ah"Sabi ni mama. Hindi na ako sumagot at pumunta nakong computer shop dahil nakakainis!

"Luna Penge akong limang piso!"Ang aga aga talaga mangurakot neto ni Kuya Arnold.Laki laking tao e. Sya panaman ang siga dito.

Wala akong nagawa kundi bigyan sya ng limang piso kahit labag pa sa loob ko dahil ayoko namang mangudngod mukha ko sa keyboard. Atleas na isang oras ako dito sa computer shop naging kalahati nalang dahil limang piso nalang ang tira kong pera hays.9 Pesos kasi isang oras 5 naman kalahating oras.

Loading palang ang pagbukas ng computer pero nilagay kona yung headset sa tainga ko kahit amoy pawis pato. Gusto ko kasi habang nag f-fb may soundtrip.

Naglaro ako ng petville.Payamanan kasi kaming magkakaibigan dito. Sabay kong nilaro ang pet ville at farm ville.

Pagkatapos kong mag computer.Umuwi nadin ako para matulog hanggang sa magising ako ng gabi

"Sheena bat nyo naman ako iniwan!"Sabi ko sakanila.Kakauwi lang nila nang gabi at nakatambay lang kami sa plaza.

"Sabi ng mama mo tulog kapadaw at ayaw mong sumama at puyat ka.Eh ang aga nga naten umuwi kagabi para maaga din tayo magising anyare teh?"Sabi ni Sheena habang kumakain ng sundot kulangot.

"Naniwala naman kayo don!"Sabi ko sakanila. Hindi ko mapigilan mairita dahil hindi nila ako kasama.

"Sayang talaga hindi ka kasama nilibre kami sa Bentelog sayang wala ka"Pag-iinggit ni Paulina sakin. Seriously sampalin kona ba? Nakitang naiirita nako inggitin pako. Amp!

"I hate you both!"Sabi ko ng akmang aalis sana kaya lang parang wala silang balak pigilan ako kaya bumalik nalang ako.

"Oh bat ka bumalik?"Tanong ni Sheena.

My probinsyanoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon