Second Chapter: Dooreaming About You!! :D

16 1 0
                                    

Aventis Academy

Naglalakad ako nun sa corridor kasama ang bestfriend kong si Joross. Maraming dumadaan nun sa corridor, nakatingin nga sila sa amin eh. Bakit?! May dumi ba ako sa mukha o sadyang nagwagwapuhan lang sila sa akin?! 

"Anong tinitingin-tingin mo?! *matapang tone with panlalaki ng mata* " Tanong ko sa isang nerd na kabatchmate ko.

"Wala po. UBOSS." Yumuko na lang siya at tumakbo. Kung tinatanong niyo kung ano yung UBOSS? Ang acronym niya ay "Ultimate Bully Of the School" Yung isang S nadagdag na lang para diretsyo na sa Boss! ;)) 

"Ikaw talaga Luke! Pinapairal mo na naman yang PSA mo! Nasa pangmayamang school/academy tayo ha. Maintain our quality na may respect sa isa't isa ang mga students dito." sabi ni Joross. PSA ibig sabihin nun Public School Attitude. Ewan ko ba kung bakit ko naging kaibigan ko tong si Joross. Laging kontra sa pinaggagagawa ko! Matalino at mabait naman siya pero ako pa ang pinili niyang maging kaibigan, ang UBOSS! Pero may konting kakulitan rin yang kaibigan kong yan. :D "Halika na nga! Malate pa tayo!" kinuha niya ang backpack kong nakasabit lang sa isa kong balikat at tumakbo.

"Hoy!! Akin na yang bag ko!!" sumigaw ako at sinundan ko siya.

Pagdating namin sa classroom, maraming nagdadaldalan, lumilipat sa ibang upuan. Pero as usual, tumatahimik na sila pag dating ko. Na para bang ako yung professor. Pero hindi naman sila nagsisibalikan sa upuan nila Nagbubulungan na lang sila kapag andito na ako.

Lunch Time

Lumabas na kami ni Joross ng classroom.

"Luke, Fishball na lang tayo! Yung dun sa labas ng Academy! :D" pagyaya ni Joross. Fishball?! Diba streetfoods yun?! Eeeeww!! Nakakita na ako ng fishball pero hindi pa ako nakakatikim. Ano ba laman nun?! Lamanloob ng isda?! 

"Streetfoods kakainin natin?! Is that clean?! Baka magkaHepatitis pa tayo! Sa canteen na lang bro! Bakit wala ka bang pera kaya mumurahin na lang yung lunch mo?"

"Bro hindi naman sa ganun. Kasi yung katulong namin pinatikim sa akin yung fishball na binili niya. Ang sarap kaya. Try something new Bro! Mas maarte ka pa sa babae! Alam mo yung Hepatitis pero hindi mo alam yung mga lessons natin. Di porket mayayaman tayo hindi na tayo magtatry ng streetfoods." Hay kung maglesson sa akin to, daig pa si Mom and Dad.

"Hay sige na Baka san pa humantong tong usapan na to!" hinila ko yung damit niya at nagmadaling bumaba kahit nakakabangga na kami sa ibang lumalabas ng kanikanilang classroom. NapaOO na lang ako kahit labag sa kalooban ko kasi naman matagal to 

Sa Tindahan ng fishball

Bumili na si Joross ng 10 fishball sa isang stick. Nakatingin lang ako sa kanya at enjoy na enjoy naman siya sa pagkain nito. Yung hindi man lang siya nandidiri.

"Luke! Ayaw mo ba?! Libre ko na nga eh!" sabi ni Joross na umattack pa ng isang batch ng sampung fishball. 

"Kadiri yan eh! " Kadiri naman kasi talaga noh!

"Alam mo ang arte mo! Kadiri ka ng kadiri! Hindi mo pa nga natitikman, kadiri na agad! Ang charap charap kaya! Try mo lang kahit one piece! Walang mawawala!" sabi ni Joross habang nginunguya yung Eeew na bilog na yun. Pagkatapos niyang ubusin yung fishball, kumuha pa siya ng one piece at nilapit sa akin. Ako, lumalayo kasi ayokong dumikit sa balat ko yang fishball na yan!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Time For UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon