Paalam
Isang madilim na kalangitan
Kasabay ng aking kalungkutan
Na sa paglabas ng buwan
Ika'y nagbabadyang lumisanGustuhin ko mang ika'y pigilan
Isang iling lang ay sapat na
Na ikaw ay aalis
At hindi na muling babalikMasasayang sandali ang iyong hatid
Ngunit mawawaglit na lang ba ng ganong kadali?
Ang mga gapos ng iyong palad sa aking mga pisngi
Kakawala na lang ba at mawawaksi?Inasahan ko na ako'y iyong ipaglalaban
Aakayin mo at dadalhin patungong altar
Ngunit dahil sa aking nakita
Napagtanto kong umasa ako sa walaMabilis kang nalinlang
Sa mga bagay na walang basehan
Sana man lang nagtanong ka
At hindi iyong para akong tanga
Naghahanap ng sagot sa tanong na
Bakit ka nawala?Hindi ako handa sa iyong paglisan
Kagaya ng pagkawala ng mga alaalang pilit iningatan
At kung ikaw man ay babalik
Asahan mo ikaw ay wala na sa aking isip