Paglisan

1 0 0
                                    

Paalam

Isang madilim na kalangitan
Kasabay ng aking kalungkutan
Na sa paglabas ng buwan
Ika'y nagbabadyang lumisan

Gustuhin ko mang ika'y pigilan
Isang iling lang ay sapat na
Na ikaw ay aalis
At hindi na muling babalik

Masasayang sandali ang iyong hatid
Ngunit mawawaglit na lang ba ng ganong kadali?
Ang mga gapos ng iyong palad sa aking mga pisngi
Kakawala na lang ba at mawawaksi?

Inasahan ko na ako'y iyong ipaglalaban
Aakayin mo at dadalhin patungong altar
Ngunit dahil sa aking nakita
Napagtanto kong umasa ako sa wala

Mabilis kang nalinlang
Sa mga bagay na walang basehan
Sana man lang nagtanong ka
At hindi iyong para akong tanga
Naghahanap ng sagot sa tanong na
Bakit ka nawala?

Hindi ako handa sa iyong paglisan
Kagaya ng pagkawala ng mga alaalang pilit iningatan
At kung ikaw man ay babalik
Asahan mo ikaw ay wala na sa aking isip


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 05, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Rumpus PerceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon