CHAPTER 2

753 23 0
                                    

Chapter 2:

        AXOUS ACADEMY OF MAGIC

            Agad pinaandar ni mommy ang kotse at umalis sa bahay namin.Lumingon ako sa bahay namin at ngayon ko lang napansin na may sira pla ang bahay namin sa bandang kusina.

            Nakita kung dumaan kami sa gubat at madilim ito.may nakita akong gate na may nakasulat na bawal pumasok at doon pumasok si mommy..Naramdaman ako naparang pasok kami sa isang portal pero paglabas namin doon ganun parin.Nasa gubat parin kami.

      "mommy,nasaan po tayo?"tanong ko kay mommy habang nakatingin ako dun sa salamin sa harap ng kotse.

       "sa bago mong tirahan"sabi ni mommy.

         "po?ako lang?paano po kayo?"sunod sunod na tanong ko.

        "oo anak ikaw lang marami kang kailangang malaman tungkol sa iyong katauhan at uuwi ako sa bahay." sagot ni mommy sa tanong ko.

       "alam ko na po lahat tungkol sa akin,wala na poh ako kailangang malaman pa! at babalik ka sa bahay diba delikado na doon?" sabi ko.

       "marami ka pang hindi alam!"sabi ni mommy.

         Tumigil kami sa isang malaking gate na may nakasulat na

AXOUS ACADEMY of MAGIC.

        May isang babae ang lumapit sa amin at sinabing.

      "Kanina pa kita hinihintay Mrs.Cortez"sabi nung babae kay mommy.

       "Ms. Black oras na!" sabi ni mommy dun sa babae.

The Elemental GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon