CHAPTER ONE - The Pageant

33 2 0
                                    

CHAPTER ONE - The Pageant

CRIS' POV

As of now siguro, hindi niyo pa nakukuha ang plot ng istoryang 'to but let me first introduce myself.

"My name is Crisostomo Terencio San Juan. A.K.A. Heart Evanghelista. 23. All the way from Selfie Capital of the World, Pasig City. And I will leave this saying to you. Hindi man ako kasingganda ng lola mo, hindi man ako kasingputi ng nanay mo, hindi man ako kasingsexy ng ate mo, malay mo, ako pala ang tatay mo . I Thank you. *flying kisswith pakaway-kaway pa* 

Tawanan naman ang mga bruhang vakler at kung pumalakpak e parang wala ng the day after today. Why so shallow? But what do I care? Kelangang rumampa aketch ng bonggacious. Hahaha sayang naman ang napaka-beauty face ko. Humble much?

"That's our contestant number 4. Crisostomo Terencio San Juan A.K.A. Heart ng Pasig. Lets give her/him a round of applause"

Sabi nung hipon na host, akala naman niya ganun siya kapogi. FYI, di ko siya type, malaki nga katawan ang chaka naman ng fez.

Palakpakan naman ang mga utu-utong audience. Masyadong natuwa sa saying na binigkas ko. Why so BABAW? So ayun na nga... Kinendeng ko na ang napakaperfect kong balakang. Hahahaha kabog na kabog ang mga baklang nagtangkang kumalaban sa Diyosang katulad ko. ASANESS naman sila. Muntik na nga akong matapilok dahil sa pangdiyosa kong gown at pangdiyosa kong wedge na suot-suot ng nag-iisang Diyosa ng Pasig City. Pero keri naman.

Actually, this is the very first time ko na sumali sa isang beau--gay pageant. Kasi naman nakakahiya naman talaga at for sure malalagot ako sa mudra at pudra ko pag-uwi. Hahaha bahala na nga. Letse kasi e, pinilit lang ako ng GIRLFRIEND ko. Siguro nagtataka kayo kung bakit ako may GIRLFRIEND. FYI lang, GIRLFRIEND din tawag niya sakin. Bestfriend ko talaga yun, pinilit niya kong sumali dito sa pipichuging pageant na to para naman daw tumaas ang self-confidence ko. Whatever -_- Bwisit siya

Ewan ko ba dun kung ano pumasok sa isipan nung babaitang yun at ni-register ako dito. At ewan ko din kung paano niya ko napapayag. Ang alam ko lang, kanina niya lang sinabi sakin na kasali pala ako dun sa pageant at siya pa talaga naghanda sa susuotin ko from head to toe. Maniwala kayo sakin, may saltik talaga yung babaeng yun.

Pero MAHAL NA MAHAL KO 'YUNG BABAENG 'YUN

BILANG BESTFRIEND :(

ITUTULOY...

[Author's Note: Sorry short UD :) Pagtiyagaan niyo nalang. Hahahaha. May mga tanong pa rin na gumugulo sa ating isipan tulad ng--- manalo kaya siya sa gay pageant, anong kulay ng gown niya? Hahaha joke lang. Wala na kong masabi. Hahaha. HAPPY READING. Thanks nga pala sa bumasa na at nagvote. Na-apreciate ko yun <3 LOVELOTS Please support my other stories]

>>> MANinREDMASK / IRONMARK {Chapter One of She's A He?}

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 12, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SHE'S A HE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon