3.

8 2 0
                                    

Kate's POV

Nandito paren ako sa kwarto at nagisip isip kung papasok ba ako o hindi. Aaahhh ano ba dapat na gawin ko.  Hindi ako pedeng umabsent dahil marami akong mamimiss na quizzes. Nagising ako ng maaga para pumasok... Medyo malayo kc ang mansion mula sa school nmin.. Naalala ko wala pren pala ung salamin ko.. Pano na kaya to.. Papasok ako na walang salamin ko huhu.. Hay naku wala na akong magagawa.. Sinimulan ko ng maligo at magayos..

~

Napagpasyahan ko ng Bumaba baka maisipan ko pang di pumasok.. Nakita ko naman sina bryan at luke sa baba na naguusap.. Seryoso ba si mommy na dito sila .. Napansin ko naman na Nakauniform din sila.. Ano bang ginagawa sakin ni mommy.. Shes so mean .. Ganti ba nya sakin to dahil di ko sya kinakausap mula nung umalis si daddy.. Napansin ko naman na pababa si mommy..

" good morning kate... Kumaen na muna kau." Sabi ni mommy.. Nasa likod ko pala sya.. Pero bakit nakauniform sila ng tulad sa skul namin?? Ilang segundo din aq nagisip.. Ai ou nga pala Natatandaan ko na nagtransfer pala sila sa skul sabi ni mommy.. Kaya pala may pawhere-wherever you are pa ung mokong na un.. Naalala ko naman ung nangyari kagabi.. Di tuloy aq makatingin kay luke ng maayos ..

Natapos naman na ako kumaen..

"Alis na po ako" tumayo na ako at kinuha ko na ung bag ko na nakasabit sa likod ng upuan ko..

" Wait kate.. Isabay mo na sila at di mo muna pwede gamitin yung kotse mo.. Kaya sa kanila ka sasabay.." Napalingon naman ako kay mommy.

"What?? No magcocommute nalang ako.." Sabi ko at umalis na. Lahat nalang ba papakielaman nya.. Lumabas na ako at Naglakad naman muna ako papunta sa pinakamalapit na bus stop dito.. Ilang minuto din ako nagaabang dahil puro puno ung mga bus.. Wala talaga akong masakyan.. Hala baka malate ako ang layo pa naman ng skul ko.. Napansin ko naman na may humintong sasakyan sa harapan ko.. At bumababa ung bintana ng sasakyan..

" kate sabay ka na samin.."  Si bryan pala...

" s-sige na nga.. Ngaun lang naman.. Wala kc masakyan eh.." Binuksan ko ung pinto sa may backseat at sumakay.. Si luke pala ung nagdadrive... Pinaandar nya na ung kotse.. Habang nasa byahe lumingon sakin si bryan at napansin ko namang may iniabot sya sakin  kaya tiningnan ko un.. Pagkakita ko ung salamin ko ang hawak nya.. Panong nasa kanya ang salamin ko.. Agad ko naman kinuha sa kanya..

" t-thank you bryan.. Kagabi ko pa hinahanap to eh.." Pinunasan ko muna at agad na isinuot ung salamin ko..

" Nakita ko kasi sa sahig kaya kinuha ko.. Alam ko nman na sau yan" ngumiti sya sakin.. Ang angelic talaga ng mukha nya..

"Thank you talaga Bryan.." Nginitian ko sya..

"Bakit mo ba sinusuot yan.. Di tuloy makita yung napakaganda mong mukha" singit naman ni luke pakiramdam ko bigla akong namula at bumilis yung tibok ng puso ko.. Ano ba naman tong lalaking to.. Naalala ko nanaman yung nangyari kagabi. Di ko na sya sinagot.. Habang nasa byahe kami napapansin ko naman sa salamin na tumitingin sya. Pero pag titingnan ko naman sya agad nyang iniiwas ung tingin.. Ang awkward naman namin..

~

Almost one hour din ung byahe namin ah.. Nasa skul na kami at ipinarada na ni luke ung kotse.. Buti maaga kami nakarating.. Di pa nagbebell kaya marami pang estudyante sa hallway..

"A-ahm sige mauna na ako.. Thank you. " agad naman na akong lumabas ng kotse..

" Teka kate.." Sigaw naman ni Bryan kaya Nilingon ko naman siya..

" di mo ba kami aantayin?? " bumalik naman ako sa kanila..

" we're classmate " sabi naman ni luke pero di naman sya nakatingin..

" ahh ganun ba.. Sige hatid ko nalang muna kau sa room tapos pupunta muna ako sa library.. Masyado pa ksing maaga eh.. May susi naman ako sa room. " nakakahiya naman kc kung kasakasama ko sila.. Baka sabihin nilang pilingera ako..

Naglakad na kami papunta sa room. Nasa corridor na kami naglalakad at napansin ko namang pinagtitinginan naman kami ng mga estudyanteng nasa labas ng corridor. At nagbubulong bulungan.. Biglang umingay at nagtitilian ung mga babae.  Tuloy tuloy paren kaming naglakad kahit medyo nagigitgit na kami nung mga babae.. Pinagkakaguluhan kami ay sila pala ng mga babae.. Nabigla naman ako ng nay humila sakin at itinulak ako at napaupo ako..

" uy nerd wag ka nga.. Nakikigulo ka pa dito eh ang pangit pangit mo naman. " nagsitawanan sila.. Kaya nakaramdam tuloy ako ng hiya.. Bakit sila ganito sa akin wala naman akong ginagawang masama bakit kailangang gawin nila sakin to.. Di ko na napigilang mapaiyak.. Gusto ko sanang tumayo pero di ko kaya dahil naramdaman kong masakit ung paa ko.. Napayuko nalang ako.. Naramdaman kong biglang may bumuhat sakin.. Tiningnan ko kung sinong saviour ang bumuhat sakin at di ko inakala na sya ang bumuhat sakin. 

My Two Fiance And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon