✨ Value

191 8 1
                                    

Jicheol Shot #9
Title: Value

-

Be romantic about the little things..

Okay, but how?

Hindi alam ni Jihoon kung bakit niya masyadong iniisip ang bagay na ito simula ng ikasal sila ni Seungcheol. He just wanted to be a better person now for his husband, okay? Gusto niya maging sweet. But damn how?!

Ang alam niya kasing sweet ay murahin na lang si Seungcheol lagi, minsan suntukin o sabihan but not everytime okay? May kapaguran din naman si Jihoon. Gustong niyang magbago because honestly tingin niya masyado na din siyang nagiging masama kay Seungcheol sa pinagagagawa niya pero masisisi mo ba siya? Dakilang mapang-asar at maharot din kasi si Seungcheol!

"Ang galing mo talaga Jihoon!"

"Hm..." napatango lang si Jihoon saka umupo sa sofa. Pinanood lang nito si Seungcheol libutin ang tingin sa mga napalanunan niyang trophies, medals or certifacate na nakadisplay sa sala. Actually, naiinis si Jihoon dahil dinisplay pa talaga ng nanay niya mga ito sa sala pero ganon talaga pagproud parents. Hindi niya ito masisisi pero iba kasi sa paningin ng ibang tao.

"Proud ako sayo Jihoon." sabay gulo ni Seungcheol sa buhok nito at tumabi sa kanya ng may malaking ngiti.

"Para kang ewan." nag-pout naman sa kanya si Seungcheol. Naisip ni Jihoon na baka ito na ang chance niyang maging sweet kaya...

"J-jihoon..!"

Nagulat na lang si Seungcheol ng bigla siyang dinaganan ni Jihoon kaya napahiga tuloy siya sa sofa ng nasa ibabaw niya ito. Napangiti naman si Jihoon at niyakap ang leeg nito.

"Baka dumating parents mo Jihoon. Makita tayong ganito."

"Hayaan mo. Malakas ka naman sa magulang ko." ngumiti na lang si Cheol at binagsak ang ulo niya sa sofa saka sinuklay ang buhok ni Jihoon.

"Haist... Walang halaga mga awards na yan." sabi ni Jihoon.

"Bakit?"

"I dont know. Gusto ko lang itapon kasi mga basura lang."

"Kahit kailan Jihoon salbahe ka." Seungcheol shook his head and patted Jihoon's head softly.

Napapikit na lang si Jihoon at sinulit ang mga ganitong pagkakataon na payapa ang lugar, na sila lang dalawa at yakap ang isa't isa. One of his best moments with him, right now.

"Seungcheol."

"Hmm?"

"You know... Ikaw ang pinakamagandang award na natanggap ko." Seungcheol chuckled.

"Ako din naman Jihoon pero sinuwerte lang ako sayo." Sabay silang natawa sa sinabi nito na halos maluha na sila kakatawa. No– si Jihoon lang pala.

"I love you, Seungcheol."

"I love you too, Jihoon." A tear of happiness escaped from Jihoon's eye.



... Because everything ends. Youth, love, life, all end, and that's what makes them valuable.

Bittersweet / jicheolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon