Alam kong nawiwili na ngayon tayo sa social networks... mahilig mag fb, tweets, insta .. at iba pa.. alam ko din na minsan nagiging stalker tayo pag dating sa buhay ng ibang tao. Tinitingnan bawat status ng fb friends at agad naman tayong nag la-like nito. Ganoon din pagdating sa mga photos, kung minsan tayo na nga etong nagiging stalker tayo pa din ang namimintas pagdating sa kanilang mga status pic. Pero kahit ganun like pa rin tayo ng like. Bakit kaya ganun?
Ano ba talaga ang like?
Sa totoong buhay kaya, mahilig din ba kaya tayo mang like ?
When it comes sa tao? either positive or negative ... attitude, personalities, level, characteristics, at iba pa.
Diba di madali?... bakit kung sa soc.net. parang ang dali-dali lang? bakit kaya?
Siguro kasi di tayo nagiging aware, dahil iniisip natin na okay lang e.like yung status ng mga ibang tao kahit di na man maganda ang mensahe or ang ipinapahiwatig ng status niya basta lang ma e.like mo ayos na agad. Bakit kaya ? nag iisip din ba kayo kung bakit ganoon?
Like kayo ng like ng status ng iba..ang tanong. nilalike din ba nila status mo?
Comment dito, comment doon... hangang mapuno na ng comment ang status mo. pati notification mo ay mapupuno na dahil sa walang humpay na comments ...
Accept? Confirmed? Not yet? Ignore? ... alin dito pinipili mo kapag mayroon kang friend request?
Kasi kahit di natin kilala yung tao add as a friend pa rin. Malay mo, masama pala yun.
Diba nga dont talk to strangers?, pero kung sa soc.net. add a stranger... ganun?
Alam kong nagiging friendly lang tayo dahil ayaw nating isipin nila na were very kj pagdating sa ganyang bagay.
But we also need to think na mayroon pa rin tayong private life na kailangang protektahan ang pangalagaan.
Social network remains as a social network. But our personal life hindi... maaring magbago eto sa isang click mo lang.