Josh's POV
Napabangon ako sa kama habang nagbabasa ng libro ni Marcelo Santos III na Para sa Hopeless Romantic. Di sa nababakla ako ha?
Nakakarelate lang kasi talaga ako sa kwento ng librong to Haaaay. Nang biglang kumatok ang pinsan ko na si Asher.
"Pre pasama naman mamaya sa nililigawan ko oh?" Pag aya sa akin ng pinsan ko.
"Sige pre, Saan ba yan?" Tanong ko sa kanya. Di naman kasi ako labasing lalaki wala lang akong no choice -___-"
"Sa kabilang kanto lang pare"
"Sige. Puntahan mo nalang ako sa kwarto"
"Ligo lang ako."
"G*GO! Di ka pa din naliligo? Dalian mo ang baho mo na" Sabi ko sa kanya. Napaktamad talagang maligo nito sabay pasok sa kwarto ko.
Pagkapasok ko sa kwarto ko napatingin ako sa kinakain kong dalandan kanina. Naalala ko na namansi Kendra yung binilhan ko ng dalandan.
Kamusta na kaya siya? Makikita ko pa kaya siya? Bakit kaya hindi siya pumunta sa usapan namin at simula nun di ko na siya nakita ulit?
Ang dami kong tanong sa isip ko na hindi ko masagot sagot dahil alam ko sa sarili ko na siya lang ang may susi ng sagot sa lahat ng ito.
"Insan tara na, Alas Singko usapan naming pupuntahan ko siya. Hanggang ala siyete lang siya Grounded daw uminom kami kagabi eh" Sigaw niya galing sa baba.
"Ge pababa na ko" Nagbihis ako ng T-Shirt at pumunta na kami. Di naman kalayuan to sa nililigawan niya, Ewan ko ba hindi naman ganito dati pinsan ko Siguro nga seryoso na to ngayon.
Pagdating namin sa bahay may lumabas na isang babae, Siya siguro si Anne. Oo maganda nga siya pero halatang pasaway.
"Pre, Akin na yan wag mo ng titigan. Baka dito na matapos pagiging mag pinsan natin" Bulong sa akin ni Asher.
"Wlanghiya? Baka agawin ko sayo eh alam mo namang may hinahanap pa din ako diba?" Sabi ko sa kanya
"Ahh oo nga pala yung batang babae, Kenny ba yun?" Tanong niya na nangliliit ang mata na pilit tinatandaan.
"Kendra yon Insan. Oo siya nga." pagtama ko sa kanya.
"Hi! Ash! Buti naka alis ka? ako kasi hindi, Hahahahah" Sabi ni Anne
"Pasaway ka kasi sabi ko sayo wag kang uminom ng madami o kaya ihatid na lang kita at ako na magpapaliwanag sa mama mo" Sabi ng pinsan ko.
"Sorry na ho"
"Nga pala Anne, Pinsan ko si CJ"
" Ah hello." Sabi ko. Mahiyain ako eh. Sa una lang. HAHAHAHAHAHAHHAAHAHH dun lang hindi. Ewan ko ba. Tinamaan ako kay Kendra.
"Pasok kayo. Inaantay ko lang yung dalawa kong bestfriend na sila Kendra pati si Joy"
Nung narinig ko yung pangalan na yun napahinto ako. Tama ba yung pagkakarinig ko? Kendra?
"Ahmmmm Anne, Kendra ba kamo pangalan ng bestfriend mo?"Tanong ko. Parang bigla akong nabuhayan ulit. Pakiramdam ko dito na masasagot mga katanungan ko
"Oo Kendra Ashley Gonzales, Bakit natanong? Magkakilala ba kayo?"
Hindi ko alam isasagot ko. Di ko alam kung Oo o hindi. "Hindi. Familiar lang kasi Wala na siyang naikwento sa inyo ng kabataan niya? Diba mag bestfriend kayo?
Nandito kami ngayon sa terrace nila. At ito pa rin ako nangungulit sa kanya yung pinsan ko kasi bumili ng makakain. Galante to pag may nililigawan eh. Haha.
"Hmmmm. Meron? Pero nakalimutan ko na Bakit ba?
"Wala lang. Antayin na lang natin sila"
"Alam mo ang weird mo. Pero sige antayin nalang natin sila" Sagot niya sa kin.
Biglang tumayo si Anne sa akin dahil may susunduin daw sakto namang pagkadating ng pinsan ko na si RJ
"Ano pare? Siya ba yung Kenny na hinahanap mo?" Tanong sa akin.
"Insan, Kendra hindi Kenny. Hindi ko alam eh. Nakulitan ata sakin" Tsaka ako napakamot sa ulo ko.
"RJ, CJ mga bestfriend ko, sila Joy & Kendra" Sa pagkarinig ko napatingin agad ako sa babaeng nasa harap ko.
Siya nga! Siya nga si Kendra. Yung batang nilibre ko ng dalandan noon. Yung batang minahal ko simula nung nakita ko. Yung Kendra na umiiyak dahil gusto ng matamis na dalandan.
Siya nga hindi ako nagkakamali.
---------------------------------------------------------------------------------------------------