Chapter 2

35 1 0
                                    

(An: Sorry kung natagalan yung UD. Thanks for reading)

Monday nanaman at pasukan  nanaman. Jusko naman. 

Hindi ko kasabay sila Dana at Lea ngayon. Hindi ko parin sila napapatawad. Haha, joke lang. Medyo naiinis parin ako pero ayos lang.

Nag lalakad na ako papuntang classroom nang biglang may bumangga sa akin.

"Ano ba!" galit na sabi ko.

"Dom Dom?" tanong nya.

Sino ba to'?

"Dom Dom? Sino ka ba?" sagot ko sa kanya.

"Si Mike yung naka tapon sayo nung Starbucks mo nung isang araw. "

Ah' naalala ko na. Anong ginagawa nya dito sa school?

"Ahhhh'. Nabangga mo nanaman ako. May problema ba mata mo? Nga pala, anong ginawa mo dito sa Phaidon Academy?" tanong ko sa kanya.

"Sorry ah'. Walang problema mata ko. Clumsy lang talaga ako. Dito na ako nag aaral. Buti nga tinanggap pa ako kahit three months late na ako eh'" 

"Ganun ba? Sige. See you around. Baka malate na ako eh." sabi ko at nag bye na ako. 

"Sandali lang. Medyo naliligaw kasi ako. Saan ba dito yung room ni Ms. Francisco. Sya daw kasi magiging adviser ko" tanong nya.

Kung minamalas ka nga naman. Pareho pa kami nang adviser.

"Pareho tayo. Halika sabay na tayo" sabi ko sa kanya at hinila ko na yung kamay. 

Tumakbo  kami sa room. Attttttttt, nan doon na si Ms. Francisco.

"Ma'am, I'm really sorry" sabi ko sa kanya at dumiretso na ako sa upuan.

"It's okay. But make sure this won't happen again" mabait na sabi nito.

"Yes Ma'am"

"I see you have met Mr. Reyes. Mr. Reyes since you know Ms. Gomez you can sit beside her" turo ni Ms. Francisco kay Mike.

"Yes Ma'am" tipid na sagot ni Mike.

Nag umpisa na yung klase. As usual boring padin. Kung ano anong seatworks lang ang pinagawa. Nag discuss rin nang bagong lessons yung ibang teacher. 

Hindi ako matalino pero umapasa ako. Galing diba? Sus, alam kong pareho lang tayo. *^▁^*

-LUNCH TIME-

Kasabay kong mag lunch si Mike ngayon, sya na ang study body ko. Inassign  ni Ms. Francisco. Galing no? *sarcatic*

"Tara bili na tayo nang lunch" yaya ko sa kanya. 

"Sige, ikaw nalang. May baon ako" sabay pakita nya nung baon nya. 

Lalaki? Nag babaon nang lunch? Himalaaa!!. BOOM PANES!

"Okay sige. Hintayin mo nalang ako jan" sabi ko at agad naman akong dumiretso dun sa counter. 

Nakapila na ako. Nang biglang may simingit sa harapan ko. Aba! Ang haba haba nang pila tas sisingit ka. Ano sya chicks?

"Hoy, lalaki! Pumila ka nga nang maayos. Kala mo kung sino kang pa VIP ah'" naiinis na sabi ko. 

Sino ba naman di maiinis gutom na gutom na ako. Tas ganyan may sisingit pa.

Lumingon sya at bigla naman akong natulala. Shit si Ian.

"Excuse me Miss. Ako ang pinaka gwapong lalaki sa Academy na toh'. I'm Ian. Ngayon kilala mo na ako sisingit na ako kasi gutom na ako"

Sa lahat nang tao sya ang pinaka ayaw kong makabangga. Why? Ang taas kasi nang tingin sa sarili porket gwapo.

"Wala akong pake kung ikaw ang pinaka gwapong lalaki dito sa Phaidon Academy. Gwapo ka nga ang hangin mo naman. At hindi ka pwedeng sumingit! Alam mo bang kanina pa ako nakapila dito. At pareho lang tayong gutom" naiinis parin na sabi ko. 

Kumukulo na dugo ko sa kanya ah'. Wala na ba syang gagawin na matino.

"Gwapo talaga. Alam mo ba lahat nang babae dito sa Academy na toh' nag kakamdarapa sa sinasabihan mong mahangin"

Aba sumasagot ka. 

"Di naman gentleman" bulong ko sa sarili ko. 

"Anong sabi mo?"

Patay narinig nya.

"Wala sabi ko paunahin mo na ako sapila kasi GUTOM NA GUTOM NA AKO. PUMILA KA NAA!" nasigawan ko ma tuloy sya at dahil dun napatingin tuloy lahat nang tao sa akin.

"Ayoko nga. Tsaka please wag mo nga akong sigawan" 

Hindi na ako nakapagpigil at

*boogshhh*

Sinuntok ko sya. Sino ba naman di maiinis.

"F*CK, ano bang problema mo" sabi nya sabay hawak sa labi nyang medyo nagdudugo.

"Ikaw" nakangiting sabi ko at umalis na. 

Lahat nang tao sa canteen nakatingin sa akin.

Bumalik na ako sa table namin ni Mike.

"Ang galing mo ah'. Babae ka ba talaga?"

Pinuri nga ako may kasamang lait naman.

"Okay na sana eh'. Oo naman. 100% na babae to noh'"

*grrrrrrkkshhh*

(An: Wag kayo tunog nang tyang nagugutom )

Bigla naman akong nahiya kay Mike.

"Gutom kana. Naririnig kong kumukulo yang tiyan mo eh'. Hati nalang tayo sa lunch ko. Marami naman to eh'" 

"Hindi na, okay lang ako. Nakakahiya naman"

Kumulo nanaman ulit tiyan ko at alam kong narinig ito ni Mike.

"Okay sige. Sabi mo yan ah. Walang sisihan" sabi nya at kinuha yung baon nya sa gitna namin. Nilagay nya kasi sa gitnan nung inaalok nya ako.

Ano ba yan Patricia. Ikaw na nga yung inaalok tas tatanggi ka pa.

Bigla ko nalang hinila yung baon nya papunta sa akin at dali daling kumain. Bahala na.

Kain.

Kain.

Kain.

Di ko namamalayan naubos ko na pala.

"Di ka nga gutom. Sobrang gutom" natatawang sabi ni Mike.

Ano ba yan, nakakahiya.

"Ay sorry. Sorrry talaga. Bibili nalang ako ang pag kain mo  saglit lang" sabi ko at tumayo.

Bigla naman nyang hinawakan yung kamay ko at naramdaman ko yung sarili kong mamula.

"Wag na di na kailangan nakakain naman na ako kanina"

Ang bait talaga!.

"Sigurado ka?" nahihiyang tanong ko.

Nakangiting sinabi nya "Sigurado ako"

Hawak parin nya yung kamay ko.

*Kringgggggg*

Tumunog na yung bell. Letcheng bell na yan nag momoment pa kami ni Mike eh'. 

"Dom Dom, halika na. Baka malate tayo nyan" sabi nya at hinila nya na yung kamay ko.

Kala ko bibitawan nya na eh'.

Teka nga Patricia Dominique Gomez, bat lumalandi kana? 

*****

(An: Hola! Como estas? Haha! Vote and Comment)

Love HappensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon