Nagsimula lamang sa kaibigan ngayo'y magka-ibigan na
Ang dali ng panahon, akala ko dati hanggang magkaibigan lang tayo
Nahulog ako nang hindi ko nalalaman, ito'y napansin lamang nung ika'y may gustong iba
Akala ko wala na akong pag-asa pero ako'y mali meron palaIkaw yung tipong hindi man perpekto pero handang ipakita na ako'y mahal talaga
Mag away man ng maraming beses pero hindi kailan ma'y pagsasawaang suyuin ka
Mahal, ikaw ang nagbigay kulay sa aking buhay
Sana'y hindi magbago ang pagmamahal mong tunayMarami mang pagkakamali ang nagawa pero handang patawarin
Mahal, saktan mo man ako ng maraming beses pero itong pagmamahal ay hindi magbabago
Hindi kailanma'y bibitaw kahit pa anong mangyari
Sana, sana ito na nga ang sinasabi nilang 'forever'Ikaw ang nagbibigay inspirasyon upang abutin lahat lahat ng aking pangarap
Mahal, sanay hindi ka magsasawang mahalin ang isang tulad ko
Sa bawat oras at minuto ako'y natatakot, natatakot na paglipas ng isang araw ay ako'y iwan mo na
Mahal wag, wag mo 'kong iwan dahil ikaw lang ang aking mamahalin wala ng ibaMahal, sa mga panahong tayo'y nag kasama
Pangarap ko para sa ating dalawa na nabuo ko na
Mga pangarap na kailan man ay di mabubuo kapag wala ka
Mahal, di ko na kailangan pang mag hanap ng iba, Sapagkat ikaw ay akin naMahal, tayo'y nag simula bilang magkaibigan na nauwi sa pagiging magka-ibigan
Simula't sapul ikaw ay akin ng pinangarap
Ngunit ngayon ay akin ka na magpakailan man
At tayo'y haharap sa may kapal bitbit ang ating pangakong mag mamahalan hanggang wakas