Ang kislap ng iyong mga mata saakin nagpapatunaw
Pagmamahal ko'y umaapaw abot hanggang ibabaw
Ika'y rosas sa hardin
Tatanawin ko sa kahit anong unos
Mahal ko, bahaghari ka sa pagdaan ng ulan na grabe ang buhosPag-ibig, pag-ibig. O kay sarap umibig
Pag puso na ang nanaig parang gugunaw ang daigdig
Kahit kanino man walang makakadaig.
Ang pag-ibig ko'y walang katapusan palaging sa'yo papanigO, kay tamis ng iyong ngiti
Sadyang kay ganda ng iyong labi
Mata mo'y kumikinang na parang bituin
Ikaw ang anghel sa aking panalanginHindi ako mapakali
Dahil ikaw lamang ang minimithi
Sa puso mong minsa'y tila walang kakibo-kibo
Maging madamot man ako sa salita, itaga mo sa bato nandito lamang ako kahit bigo