The WHY of the Stories

5.2K 251 58
                                    

NOTE: Wag babasahin kung hindi mo pa natatapos basahin ang tatlong kwento. PUNO ng SPOILERS. PLEASE.

HI uli! So, nagbabasa ka pa rin hanggang dito? Maraming salamat! At congratulations na rin sayo! Ginawa ko ang pahinang ito para masagot ang mga katanungan mo. Para na rin ito sa mga ka-compatible at katulad ko na mahilig sa clues.

CLUES. Opo. Nag-iwan ako bawat story. May dahilan kung bakit ang kwentong BISITA, PALAPAG at LIHI ay magkakasama sa isang koleksyon. Pwede mo kasi siyang ituring na isang buong kwento rin. Paano? Ito po ang sagot! (Mag-comment ka kung tumama ka!) :D

BISITA : Ito ang panghuling nangyari sa timeline. Luma na ang apartment sa panahong ito at iilang palapag na lang ang pwedeng matirhan. Mababa na ang upa. Malapit sa college at sa motel. At laganap na ang balita tungkol sa nakatirang demonyo raw sa gusali. Hinamon ni Erika. At kinuha siya ng demonyo.

PALAPAG : Ito ang pangalawang nangyari sa timeline. Maayos pa ang apartment. Sinabi kong malapit pa rin sa college. Dito ay nag-intro ako na may namatay sa ikapitong palapag. Binubulabog si Karen ng isang pangitain na siya rin pala ang bibiktimahin. Pinaglaruan siya ng demonyo sa gusali.

LIHI : Ito ang pinakaunang kwento sa timeline. Bagong tayo pa lang ang apartment na malapit sa college at itinatayo pa lang ang malapit na motel. Nagbuntis si Rachel sa isang naiibang nilalang. Hindi masamang tao si Rachel, kaya nga iginalang siya ng nobyong si Erik. May kapitbahay siyang lalaki at babae: sina Martin at Jenny. Si Martin ang lalaking nagbigti pero hindi ko na sinabi. Si Jenny ang babaeng unang tumalon. Pero nauna ang panganganak o sabihin na nating pagtakas ng demonyo sa katawan ni Rachel. Bakit lihi? Dahil mabait si Rachel pero ang lahat ng nararanasan niya at ikinikilos ay idinidikta ng nilalang na nasa katawan niya. Dito ko sinabi kung sino yung humahalakhak - at iyon ay ang demonyong ama ng nilalang na pumapalatak. 

Ang SURPRISE? Iisang apartment building lang tinirhan nila. Ang Bisita ni Erika ay ang ipinagbuntis ni Rachel. At ang tumakot kay Karen sa Palapag ay ang ama at batang demonyo.

Ang demonyo? Wala po siya sa google. Gawa-gawa ko lang. ^__^

TUMAMA ka ba? Sana. Para nang matapos mo ang buong koleksyon ay naging masaya ka naman. Giveaway ko ito. Sa kasunod na libro, mayroon uli tayong clues at sagot a. Wala pa nga lang premyo. -__-

Salamat sayo! Mabuhay ka! At makabasa pa sana ng mas maraming kwento! :D

Kwentong Hukay [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon