Torpe.

31 0 0
                                    

Ang hirap maging torpe. Para kang may kapansanan.. kapansanang hindi makapagsalita. 

Ang hirap maging torpe, habambuhay mo nalang itatago yung nararamdaman mo. Ang hirap maging torpe, habambuhay ka nalang naka nganga at nakatingin sa babaeng pinapantasya mo. Ang hirap maging torpe. Ang hirap dumiskarte eh. Kung paano ko sisimulan yung sasabihin ko, kung paano ako kukuha ng magandang timing sa nililigawan ko, kung paano at saan ako kukuha ng lakas ng loob na sabihin yung nararamdaman ko. Hindi ako pipe, hindi rin ako paos. Kaya ko ngang ipagsigawan na mahal ko siya kaso.. hanggang sa sarili ko nalang ata? 

Ako si kevin, isang college student. Hindi ako naniniwala sa love at first sight. No girlfriend since birth ako. Ewan ko nga kung bakit di pa ko nagka-girlfriend, siguro walang naattract sakin o baka mahina ako dumiskarte? torpe? hindi no! 

Isang araw sa paaralan na pinapasukan ko, nakita ko ang babaeng nagpabago sa paniniwala kong di totoo ang love at first sight. Ganito kasi yun.

(Sa paaralan...)

"Uy pre, tingnan mo, ang ganda niya, siguro bago lang siya, ngayon ko lang nakita sa university yan eh! ano kayang pangalan niya?" Sabi ng bestfriend kong si Bok.

"Ahh eh, oo nga.. si..sino kaya sya?" Nauutal kong sagot.

"Tanungin natin! habang wala siyang ginagawa at nakaupo oh!"

(Katahimikan...)

Tumahimik ang paligid, animo'y kaming dalawa lang ng babaeng yon natitira sa mundo. Sa kanya nakasentro ang paningin ko. Bumilis ang tibok ng puso ko, at bigla kong naisip isip na...

"ang ganda niya, parang nasa kanya na lahat ng hinahanap ko, singkit, chubby, maputi, at ang ganda ng buhok niya, bagay na bagay sa kanya." 

"pano kung maging girlfriend ko siya? hmm.. isa na siguro ako sa pinakaswerteng lalake sa mundo!" 

"syempre, siya rin.. isa siya sa mga swerteng babae sa mundo!" 

"hinding hindi ko bibitawan ang kamay niya, gusto ko lagi siyang nasa tabi ko, sabay kaming kakain kung saan niya gusto, ipagmamalaki ko siya sa barkada ko at magulang ko, pupuntahan namin lahat ng lugar na gusto niya, at kapag napagod na siya sa paglalakad, ipapasan ko naman siya."   

"oras oras ko sasabihin sa kanyang mahal na mahal ko siya, at araw araw ko siyang liligawan. lagi akong gagawa ng mga simpleng effort para lang malaman niya na mahal ko siya. yung tipong hindi siya magsasawa sa pagmamahal ko."

"kapag wala siya sa mood, magpapatawa ako, lahat gagawin ko para lang pangitiin siya, magbabakla-baklaan ako sa harap niya, magpapapangit ng mukha! lahat ng yon ay gagawin ko para lang bumalik yung mood niya."

"handa akong maging korni para sa kanya"

"at kapag meron siyang dalaw, lalambingin ko siya, at sasabihin kong nandito lang ako sa tabi niya, at hahalikan ang kanyang noo."

 "ipagtatanggol ko siya sa lahat ng nambabastos sa kanya!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Torpe.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon