Nakilala kita bilang isang cheerful na tao, sabi pa nga ng iba easy go lucky ka lang.
Masaya ka kasama dahil nga mabait ka, nagugulat na lang ako bigla kapag tumitili ka ng mahina at pagkapit mo pa braso ko, kasama pang hampas ng mahina para lang mailabas mo iyong kilig sa crush mo.
Madami kang crush sa klase naten. Nakakatuwa ka at ang cute mo tignan. Ang open mo kapag may gusto ka sa isang tao.
Pero iisa lang ang humuli ng puso mo.
Siya.
Nag-iba ka.
Simula nung gumawa tayo ng proyekto. Alam ko na gusto mo siya. Sa tuwing magkatabi kami ng upo nakikipag palit ka sa akin ng upuan para magkatabi kayo.
Pero wala lang yun sa akin dahil wala naman akong gusto sa kanya. Lagi ganun ang senaryo naten.
Naiinis ka sa akin na wala akong ideya kung bakit. Tinatanong kita pero ang sagot mo ay naiinis ka sa akin. Kaya hindi na ako nangulit hanggang sinabi mo.
Hinahanap niya ako sa group chat naten at bakit hindi ako nag-online.
Sinagot pa kita nun na wala lang yun huwag mong bigyan ng malisya. Pero ini-insist mo na hindi dahil tatlong beses siyang nagtanong kahit sinagot mo na. Pinakita mo pa iyon.
Hindi na ako nakipagtalo sayo dahil wala ka naman dapat ipag-alala.
Hanggang sa nakita mo kaming nagkayakap.
Pero mali ang interpretasyon mo.
Kinuhaan niya ako ng litrato at pinakita sa akin at hindi ko na gustohan.
Sinubukan ko kunin ang cellphone niya para burahin yun pero hindi ko nakita ang bato dahilan sa muntikan na akong matapilok pero nasalo niya ako at yun ang nasaksihan mo.
Bigla ka agad tumalikod at tumakbo. Hinabol kita at magpaliwanag. Pero hindi kita nahabol. Sinubukan kong tawagan ka pero hindi mo sinasagot.
Nagtext ako sayo.
Walang reply.
Nanlumo ako nun dahil ikaw ang nag iisang kaibigan ko at ayaw kong mawala ka sa akin.
Simula nung nakilala kita, nagkaroon ako ng karamay na kaya kung mamuhay ng normal, iba ka sa nakilala ko dahil hindi pagpapanggap dahil totoo ka.
Sinuyo kita hanggang sa nagkabati tayo. Ang saya ko nun. Balik ulit tayo sa date. Dun na ako sa dulo na upo dahil alam kung siya ang gusto mo lage katabi.
Medyo nabawasan na ng kaonte ang atensyon mo sa akin pero ayos lang kesa hindi mo ako pansinin. Ganun ka kaimportansya sa akin.
Pero ito nanaman tayo. Nangungulit ka nanaman sa akin. Kung nagte-text siya sa akin. Kahit sinabi ko ang totoo pero parang hindi pa iyon sapat.
Gusto mo pang tignan yung pagpalitan namin ng text. Simple lang naman yun. Nagtatanong lang siya tungkol sa coverage ng exam pero nilagyan mo iyon ng malisya.
Sabi mo pa bakit sa akin pa siya nag text pwede naman sa group chat. Bakit derekta pa sa akin. Humingi ka ng favor kung pwede hindi ako mag-reply. Hindi kita pinatulan dun kahit nakakatampo na.
Pero ganun pa din.
Busangot ang mukha mo nung binati kita at sinungitan mo ako.
Wala naman akong ideya.
Hinabol kita. Tinanong kung ano ang problema.
"IKAW! IKAW ang problema ko" napaatras ako sa sigaw mo dahil na din sa gulat. Pinagtitinginan na tayo ng ibang estudyante. Pero wala na akong pakialam.