"Gusto kita..."
'We never realize things until it's too late'. May mga pagkakataong kung kailan huli na, saka lang natin malalaman ang halaga nito.
If only I could turn back time.
Hanggang ngayon malinaw pa rin sa akin ang lahat. Ilang beses ko ring tinitigan ang huling text message niya sa akin bago ko iyon binura, umaasa na baka sakaling pati ang alala ko ng gabing iyon ay mawala na rin. Pero imposible iyong mangyari.
=====
Transferee ako noong second year high school. Hindi agad ako nakapunta noon sa pilot section kahit na ba magaganda ang grades ko sa previous school. Ganoon kasi ang patakaran sa school na pinasukan ko na kapag transferee, sa ibang section ka nila ibabagsak--- maliban na lang kung may hatak ka. Wala akong hatak, ni wala akong kakilala kahit isa noon na teachers. Mahirap mangapa sa pagbabago.
Third year, pinalad akong makapunta sa pinakamataas na section. Hindi ko akalain na may kakausap sa akin kasi balita ko, kapag matalino, puro libro lang ang kaharap. Na para bang wala silang panahon makipag-usap.
Si Arriane. Nilapitan niya ako at siya ang unang literal na kumausap sa akin. Hindi lang iyon basta Hi - Hello conversation. Nakipagdaldalan, inintriga niya ako kumbaga. Palabiro siya kaya naging masaya ang mga unang araw ko kasama sila. Siya ang unang pumansin sa akin pero iba ang una kong napansin. Nasa harapan ako noon, lumingon ako para tignan ang itsura ng mga kaklase ko. At doon, nakita ko siya. Nakaupo sa pinakadulong row ng room kaya isa siya sa mga tinatawag nilang 'Boys at the back'.
A conspicuous guy. Maliban sa siya ang pinakamaputi sa kanila, siya rin ang pinakagwapo. Mukha siyang malinis at mabango kahit na ba nasa malayo ako nakaupo. Matangkad din siya kumpara sa normal height ng lalaki. Pero hindi ko siya type. Mas natipuhan ko 'yung isa pa niyang katabi. Hindi katulad niya, may pagkamoreno ito. At kahit hindi pa kami noon nagkakausap, alam kong manly siya dahil sa kilos niya. Hanggang patingin-tingin lang ako. Hindi ako 'yung babaeng lumalapit kaagad sa mga lalaki nang walang sense ang dahilan.
Nalaman ko lang ang pangalan nila nang magpakilala na isa-isa. Ang maputi, si Jake Lawrence Castillo. Ang moreno, si Daniel Kevin Ballesteros.
Bawat subject, naiiba ang sitting arrangement namin. Hanggang pagkarating sa AP (Araling Panlipunan), nakasama ko sa isang row si Jake.
"Jake Lawrence Castillo, Edan Nash Ponce, Amy Kathleen Soberino..." tawag ng teacher namin.
Isang upuan ang layo niya sa akin. Hindi kami nag-uusap. Hindi rin naman ako kinakusap ng katabi ko. 'Yun ang sinasabing pinakamagaling sa amin at sa buong school sa History. Para namang kokopyahan ko siya. Pero oo, magaling talaga siya.
Mas gusto ko pa kapag regular ang sitting arrangement namin na katabi ko si Arriane. Arriane Jane Salazar kasi ang buo niyang pangalan. Napagkatiwalaan namin kaagad ang isa't isa. Sinabi niya sa akin na gusto niya raw niya si Jake kaya ang sinabi ko, crush ko si Kevin. Nawala iyon nang nalaman ko, mula sa kanya, na patay na patay pala iyon sa isa naming kaklase noong 1st year pa lang sila.
Kalaunan, mas marami akong naging kaibigan. It somehow felt like I belong, lalo na kapag nagkakaasaran na. Masaya silang kasama. Hindi sila 'yung stereotypical nerds na sinasabi ng iba na minsan hindi approachable at walang sense of humor.
Kasabay ng bigayan ng ID, kumuha naman ng background actors and actresses sa school namin ang isang educational channel para sa isang TV series nila. Marami ang kinuha at isa ako doon. Sa unang beses na makasama ako sa pilot section, doon lang ako pinansin ni Jake--- habang break ng shooting.
BINABASA MO ANG
Should I Let Him Go? [ One Shot - Based on a true story ]
Short Story[ Her side ] False hopes, expectations, empty promises, and wasted chances. Will there be another chance?