+ 26

691 51 4
                                    

Lisa Manoban messaged you.

Lisa: asan ka na?

Lisa: nasa airport na kami

Lisa: kasama ko pala si bambam at tzuyu

Lisa: punta ka na.

Lisa: malapit na ang flight.

Seen

Jungkook: commin'

Jungkook: nasa labas na ako ok?

Seen

Lisa: oh ok haha

Seen



Agad ko namang nilagay yung phone ko sa bulsa ko tsaka pumasok sa airport. Nakita ko naman kaagad sina Lisa sa waiting area kaya nagmamadali akong naglakad patungo sa kanila.

This is it.

Wait for us, Yerim.

"Mabuting nangdito ka na brad," sabi ni Lisa at ginulo ang buhok ko. Tsk, ang taas talaga ng babaeng to. Abot na abot niya yung ulo ko.

Mas mataas kaya ako, tss.

I just smiled at her tsaka bigla namang lumapit si Bambam at nakipag fist bump.

"Brooo, grabe diskarte mo ah!" biro niya kaya tumawa nalang ako.

"May asawa na ako bukas!" sabi ko kaya tumawa lalo ang gagu.

"Para kang baliw dude." sabi niya at huminahon na. Tinignan niya ako habang nakangiti na parang proud na proud sa'kin at hinawakan niya naman ang balikat ko.

"Kaya mo yan, magiging sa'yo si Yerim. Magiging asawa mo siya!" pagkatapos nun, tumawa ulit siya.

Tsk, baka ikaw baliw.

Agad naman siyang nilapitan ni Lisa at sinipa yung tuhod niya. Hay salamat, hindi dun sa uhhh- baka hindi na makakaanak ang gagung yan.

Natuon naman ang atensyon ko kay Tzuyu. Kasalukuyan siyang nakaupo habang nakayuko na para bang may iniisip. Lumapit naman ako at tumabi sa kanya.

Hinawakan ko naman ang kamay niya kaya napatingin kaagad siya sa akin na para bang nabigla sa ginawa ko.

Ngumiti ako, "Okay lang yan Tzuyu, mahal mo siya diba?" sabi ko at tumango naman siya. Ngumiti siya at agad niya naman akong niyakap.

"Bawiin mo si Yerim, Jungkook. Laruin mo yung tadhana niya, pareho sa paglaro mo sa puso ko noon." napangiti naman ako ng naalala ko ang nakaraan namin ni Tzuyu.

Oo, nilaro ko ang puso niya. Naging kami, pero di nagtagal kasi dahil sa pagkababaero ko. Pero kahit sa ganun, naging magkaibigan pa rin kami lalo na ng nalaman ko na may gusto siya kay Mingyu.

Mas lalo pa ng nalaman kong magkaibigan pala si Mingyu at Yerim.

"Sorry sa lahat Tzuyu, sorry sa paglaro ko sa puso mo noon. Sorry." sabi ko at humiwalay naman siya sa pagkayakap at ngumiti.

"Okay lang, noon na yun Jungkook. Ngayon ang intindihin mo. Nasa'yo ang kapalaran ni Yerim at Mingyu. Nasa'yo Jungkook, tandaan mo, pag manalo ka, tayong dalawa ang magiging masaya." sabi niya at tinignan niya ang mga mata ko.

I sighed, at lalong hinawakan ang kamay niya.


"Oo, nasa akin Tzuyu, nasa akin."

Bukas na. Lalaruin ko ito ng mabuti.



Mananalo ako at magiging akin si Yerim.












p/s hindi ko ineedit ang mga chapters rito kaya kung nay typo man, haha bahala na lol

tsaka sino ba ang nagbabasa ng story nato? ahehehe comment naman guys!! labyuuu 💓💓💓









player° j.jk & k.yrTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon