"Kuya eto payong oh. Sukob ka para di ka na mabasa."
Napatingin ako sa babaeng nagsalita sa tabi ko. Nginitian niya ko habang pinayungan ang nababasa kong mukha. It was a smile that was warm enough to melt my icy cold heart.
At dun na nagsimula ang lahat.
I fell in love... again.
...
Chapter 1
Noah
2 years na simula ng iwan niya ko para sa iba. Pero eto ako ngayon, nag-iisa pa din at hindi pa din nakaka move on.
Nandito ako sa park kung saan unang nagsimula ang pagsasama namin bilang magkasintahan. Hanggang ngayon, dala-dala ko pa din ang sakit kapag naiisip ko na tapos na ang mga pangarap na minsa'y binuo namin ng magkasama.
Oo matagal na panahon na din ang lumipas pero parang kahapon lang nung nagsabi siya na ayaw na niya.
Masakit.
Mabigat.
Nakaka-walang gana.
Nagsimulang bumuhos ang ulan at nabasa na ko ng tuluyan pero hindi pa din ako tumayo sa kinauupuan ko.
Ayokong umalis. Mabasa na kung mabasa.
Nasa kalagitnaan ako ng pag bubulay bulay nang biglang tumigil ang pagpatak sa akin ng ulan.
"Kuya eto payong oh. Sukob ka para di ka na mabasa."
Napatingin ako sa babaeng nagsalita sa tabi ko. Nginitian niya ko habang pinayungan ang nababasa kong mukha. It was a smile that was warm enough to melt my icy cold heart.
At dun na nagsimula ang lahat.
I fell in love... again.
Ako nga pala si Noah Belmonte. At eto ang kwento kung paano ako naka move on.
...
Charity
Tinitignan pa din niya ko habang pinapayungan ko siya. Medyo nakaka conscious na.
"Kuya, okay ka lang?" tanong ko sa kanya.
Hindi siya kumibo. A pair of lonely dark eyes continued to stare at me at hindi ko maiiwas ang aking tingin sa mga ito.
For some reason, hindi ko mapigilan pagmasdan ang malungkot niyang mukha. Gwapo sana... kaso nakasimangot.
"Thank you. Okay lang ako." Sabi niya habang unti-unting tumayo.
Muli ko siyang nginitian. "Sa yo na itong payong. May extra naman ako!"
Nakatulala nanaman siya sa akin matapos ko iabot ang handle ng payong sa kanya. Nung maramdaman ko na tila wala na siyang sasabihin, nagpa alam na ako. "Sige kuya! Ingat! Baka magka sakit ka!"
Di pa ko nakakalayo masyado sa kanya nang biglang tawagin niya ko.
"Miss, teka!"
Lumingon ako. "Bakit po?"
"Your name. Tell me your name."
Bakas sa mukha niya na malungkot siyang tao at may pinagdadaanan. Sana matulungan ko siya kahit papano.
"Just call me Charity. Ikaw po?"
"Noah."
Nginitian ko siya ulit. "Nice meeting you Noah! Ingat!"
And just like that, we parted ways.
Kung magkikita man kami ulit. Sana marunong na siyang ngumiti ulit.
Kung kailan man iyon, hindi ko alam.
...
Noah"Sir Noah, may bago po tayong intern." Sabi sa akin ng Secretary ko na si Pearl.
Busy ako sa mga paperworks tungkol sa real estate acquisitions ng kompanya pero part ng trabaho ko ang pakisamahan ang bawat empleyado ko. After all, our family company would not have been successful if it wasn't for them.
"A pleasure to meet you--" natigilan ako nang nakita ko kung sino ang bagong intern sa harapan ko.
"Charity na lang po." Sabi niya habang iniabot sa akin ang kanyang palad.
I saw the same shock in her eyes nang makita niya ako. Hindi ko siya masisisi. After all, who would have thought na ang basang sisiw na nadatnan niya 3 days ago sa park eh ang may ari ng kompanyang pagtatrabahuhan niya?
As I reach for her hand, I felt the warm familiarity that came over me that one rainy day.
Alam ko sa puso ko na nasa delikado akong posisyon para ma in-love ulit. Tama nga sila.
Kapag tumibok... tumibok.
"Nice to meet you, Charity. Welcome dito sa company." sabi ko habang hawak ang kanyang kamay.
Si Pearl na tila hindi napansin ang tensyon sa aming dalawa ang nag introduce sa akin. "Charity, meet our boss, Mr. Noah Belmonte."
"It's an honor to meet you, Mr. Belmonte. Kayo na po bahala sa akin." sabi ni Charity habang nakangiti.
Minsan mapaglaro talaga ang tadhana.
Hindi mo alam kung kelan ka sosorpresahin nito.
Kaya kadalasan, hindi ka ready.
Hindi ka ready masaktan.
Or in my case, hindi ka din ready ma-in love.
...
BINABASA MO ANG
Fix Me, I'm Broken
RomanceNoah Belmonte, heir to the Real Estate empire Belmonte Properties Corporation. Once a broken man who found love again in the most unexpected place. Charity De Leon, a free-spirited fresh graduate who's out to search for her Mr. Right. Hindi siya ti...