//Kabaong//
Triffie Fey Cayetor
"Ate" Hmmmmm.
"Ate" Hmmmmm.
"Ate" Hmmmmm.
"ATEEEEEE!" Agad akong napabalikwas ng bangon dahil sa sigaw na yon.
Nakita ko ang bunso kong kapatid na nakataas ang kilay sa akin.
"Shaggy naman! Natutulog yung tao eh!" Napakamot ako ng ulo.
"Tapos? Pake ko ate?" pambabarang niya
Kahit kailan napaka maldita nito. Tsk.
"Ate, kailangan mo nang magluto paparating na si tatay eh! Ang tagal mong gumising nagugutom na ako ah!" Singhal niya sa akin
"Edi sana ikaw nalang yung nagluto!"
Naiinis na ako ah!
"Hmmmp! Ayoko nga!" Saka niya ako tinalikuran.
Hays.
Bumangon na ako sa hinihigaan ko. Tinupi ko na ang kumot at itinabi ko na ang banig na ginamit ko. Hindi kami mayaman, magsasaka lamang ang tatay ko samantalang ang nanay ko ay pumanaw na noong ako'y labing isang taon pa lamang. Malapit na sana akong makapagtapos ng sekondarya kaya lang napilitan akong tumigil muna sapagkat hindi na kaya ni tatay.
Dumeretso na ako sa kusina at nagsimulang magluto. Nagluto ako ng Tortang Talong.
Di kalaunan dumating na si tatay na may dalang tinapay galing sa bayan.
"O, mga anak may dala akong tinapay"
Inilapag niya ito sa mesa. Umupo sya sa upuan, samantalang ako naman ay naghahanda ng gamit para sa 'breakfast' namin.Tahimik kaming kumakain nang basagin ni tatay ang katahimikang iyon.
"Siya nga pala, luluwas tayo sa Davao sa susunod na araw, namatay ang Asawa ng tiyuhin niyo at kailangan nating makiramay. Kung hindi eh. Nagtatampo ang Tiyuhin niyo. Ihanda niyo na ang gamit ninyo" sabi ni Tatay
"Opo tay"
*********
Papunta na kami sa Davao kasama si Tatay at ang kapatid ko. Kasalukuyan kaming nakasakay sa Jeep at limang oras na kaming palipat lipat ng sasakyang sinasakyan.
"Tay, malayo pa po ba tayo?" Kada oras nagtatanong si Shaggy kung malayo pa ba kami.
"Shaggy, tumahimik ka na nga lang" Suway ko sa kanya
Tanong kasi ng Tanong eh!
"Hmmmp! Tay naman kase bakit pa kailangan mo pa kaming isama , hindi ko nga nakita yang asawa ng tiyuhin ko eh!" reklamo ni Shaggy.
"Anak, ako nga rin eh hindi ko pa nakikita ang asawa ng tiyuhin mo. Hindi kasi sya napapadpad sa lugar natin. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung nasaan ang bahay nila pero natatandaan kong nasa Brgy. Sumpitan Baguio District Davao City raw sila. " Ani ni tatay
Hays. siguro mahaba habang byahe pa ito.
Biglang pumara si tatay atsaka kami bumaba. May nakita akong karatolang 'Brgy. Sumpitan'.
"Tay? narito naba tayo?" tanong ko
"Oo anak, kaso hindi ko alam kung nasaan ang bahay nila rito." Sagot ni tatay
May nakita akong babae halos magkasing edad ata sila ni tatay. Katamtaman ang kulay, may mahabang buhok, matangos na ilong, at matataas na talukap ng mata. Nilapitan ko siya.
"Ale? pwedeng magtanong?"
Lumingon siya sa akin.
"Ano iyon iha?"
ba't ang weird.
"ah! ano po kasi di namin alam kung saan sila nakatira pero kilala niyo po ba ang tiyuhin ko? Alexandro Masindra po ang kanyang pangalan."
Bigla siyang ngumiti sa akin.
"Oo iha alam ko kung saan sila nakatira. Pumunta ka sa gawing iyan" Itinuro niya ang gawing kanan ko
"Pagkatapos lumiko ka sa kaliwa, may makikita kang kulay dilaw na bahay doon siya nakatira" Nakangiti niya itong sinabi sa akin. Nagpasalamat ako sa kanya at pumunta kila tatay.
" Tay alam ko na po kung nasaan, sa gawing ito raw tapos kakaliwa tayo, may makikita tayong dilaw na bahay yun napo raw ang bahay niya" Sabi ko
"Talaga? Paano mo nalaman?"
"Nagtanong po ako sa kany---" Naputol ang sinabi ko dahil sa kapatid kong abnoy.
"Tay? pwede bang umalis na tayo rito? Napapagod na ako eh!" Reklamo niya.
"O sge anak"
Nilingon ko kung nasaan ang babae kanina subalit wala na siya roon. Sinunod namin ang sinabi ng babae at di kalaunan ay natagpuan rin namin ito. Sinalubong kami ni Tiyo na nagagalak makita kami na tila namamaga pa ang kaniyang mata dahil sa kaiiyak. Nagmano kami sa kanya, at nakiramay. Nag usap muna sila ni tatay dahil matagal tagal narin noong huli silang nagkita. Samantalang ang kapatid ko naman ay naka upo sa upuan na nababagot.
Maraming tao ang narito ngayon at tila pala kaibigan tong asawa ng tiyo ko.
Lumapit ako sa kabaong at Bigla na lamang lumaki ang mata ko. Pinagmasdan ko ng mabuti ang nasa kabaong.
" Eto yung--" omyy!
"E-eto yung babaeng nagturo kung saan ang bahay ni Tiyo kanina!" omy God!
*******
Vote and Comment.