Chapter 1

7 2 0
                                    

Hathaway Land

Not every Princess lives in a happily ever after.

         Siguro nga sa lahat ng Princesa isa ako sa pinagkaitan ng happily ever after. I'm Marydale Luthervan,Prinsesa ng kusina, kwarto, garden at banyo dito sa Mansion ng mga Luthervan.
Dito na ako lumaki sa mansion kasama sina Tito Fred at Tita Matilda.Wala silang anak kaya kinupkop nila ako. Tinuring nila akung tunay na anak kaya malaki ang pasasalamat ko kina Tito at Tita. Dito sa Hathaway tanging mga Royal Family,Upper class family at Middle Class family lang ang pwde gumamit ng family name.Legally adopted ako kaya gamit ko ang apelyido ng mga Luthervan.

          Lumaki ako nakukuha lahat ng gusto ko,  half of my life I grew up like a Princess nagbago lang two years ago. Namatay si Tito Fred dahil sa plain crash. Dahil sa nangyari walang nagawa si Tita Matilda nang angkinin ng mga kapatid ni Tito Fred ang lahat ng kayaman na para sa amin ni Tita.
Kung nabubuhay pa sana si Tito Fred hindi sana ganito lahat ng nangyayari, hindi siya papayag maging alipin kami ni Tita sa sarili naming pamamahay. Dito sa bansa namin walang boses ang kababaehan pag dating sa mga properties at negosyo kaya kahit legally na isa akong Luthervan ay mahirap parin sa akin ipaglaban ang karapatan namin ni Tita Matilda.

         "Iha hindi ka ba tapos dyan? Hating gabi na magpahinga kana." sa lalim ng iniisip ko hindi ko napansin si Tita Matilda sa likuran ko.

         "Mauna na po kayo Tita, susunod po ako madami-dami pa po ito eh." Sagot ko kay tita.
    
         "Tutulongan na kita dyan para mabilis ka matapos."
        
         "Tita, naman po kaya ko po 'to. Sige po kayo pag yang balakang nyu sumakit  sa kakatayo dito." Minsan ang kulit din ni Tita.

        "Pasensya kana Marydale, wala ako magawa sa kalagayan natin ngayon. Wala padin akong balita sa private lawyer ng Tito Fred mo. Hindi sana ganito." Batid ko ang lungkot at kawalan ng pag-asa ni Tita sa kalagayan namin ngayon.
           
          Linapitan ko si Tita para yakapin siya. Siya nalang ang natitira sa akin kaya masakit pag nakikita ko ganito si Tita.
        
          "Matatapos din lahat ng paghihirap natin Tita, gagawa po ako ng paraan. Basta po ang mahalaga eh kasama po kita. Magkasama tayo kahit anung mangyari."

        Mag aalas-tres na ng madaling araw ako natapos sa lahat ng gawain dito sa kusina. Debut kasi Elfa kaya nagpa party si Auntie Lucy para sa kanya. First lady nga siguro ng Evil Kingdom si Auntie Lucy kaya pinagawa nya lahat sa akin ang paglilinis pagkatapos ng party dito sa mansion.
      Kailangan ko ng matulog dahil bukas for sure madami nanaman ako gagawin dito sa mansion.

"Marydaaaaale! Ano ba napapaos na ako dito,tanghali na bumangon ka na dyan! " Sigaw ni Elfa sabay hampas sa akin ng unan.

"Ano ba Elfa? Hindi mo ako kailangan hampasin ng unan,babangon na ako." Wala ako nagawa kundi bumangon at harapin 'to mahadera kung pinsan.

"Jusme ano ba tanghali pinagsasabi mo 5:30 AM palang sabihin mo nga ano ba time zone mo?" Nakakainis ang katangahan ng babaeng 'to.

"Whatever! Bilisan mo dyan pagkatapos dumiretso ka sa kusina pag timpla mo ako ng kape Bilis!."

Pagkaalis nya ng kwarto ay sumunod na din ako. Grabe kahit simpleng pagtimpla ng kape hindi nya magawa.Sabagay alam ko naman gumaganti lang sya sa pagmamaldita ko sa knya dati. Titiisin ko nalang muna ngayon. I know someday makakaganti din ako sa Elfa evil cousin ko na yun.

(to be continue....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 23, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

 Lost Crown Of HathawayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon