Prologue.

658 8 0
                                    

“Buti ka pa lagi ka nandyan…” sabi niya sakin habang nakasandal ang ulo niya sa balikat ko. “Buti ka pa di mo ako sinasaktan.”

Kung pwede lang kasing kami na lang eh… kaso hindi. Bestfriend niya lang ako. Kaibigan.

“Tara na nga, hatid na nga kita sa inyo.” Sabi ko bago tumayo. Maglalakad na sana ako ng biglang niyakap niya ako mula sa likod. Napakahigpit. Iyak siya ng iyak.

“Bakit ba napakamalas ko?” tanong niya

Hindi ka malas. Nagkamali ka lang ng piniling mahalin.

“Tahan na. Nandito lang naman ako eh. Dadamayan kita sa lahat ng kamalasan mo…” sabi ko

Yun na lang nga talaga siguro silbi ko sa kanya. Yung matatakbuhan niya tuwing nag aaway sila ng boyfriend niya, yung mag aalaga sa kanya sa tuwing pakiramdam niya nag iisa siya. Gets na gets ko naman eh. Tuwing nalalagay siya sa alanganin ako lagi takbuhan niya. Pansamantala lang naman ako. Pag ok na ulit sila, wala na akong kwenta. Balik na ulit ako sa pagiging kaibigan lang.

Kaibigan na nga lang bang maituturing? Tangina. Ang hirap naman nito.

Pansamantala.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon