Tinakbo ni Marco ang kanilang bahay dahil nais niyang tumulong sa pagaayos para sa kaniyang kaarawan,walang pagsidlan ang kanyang tuwa.Mag wawalong taong gulang na kasi siya.Mas binilisan niya ang kanyang takbo ng makita ang gate ng kanilang bahay ngunit agad din itong bumagal dahil malapit na siya,hingal na hingal na napahawak siya sa bakal ng kanilang gate.
"Ma!Narito na po ako!"Nakailang tawag pa si Marco ngunit hindi sumasagot ang kanyang ina.Napasimagot siya,marahil ay nasa likod nanaman ng bahay nila ang kanyang ina kaya hindi siya marinig.
Napabuntong hininga siya.Bakit ba wala silang katulong?Hindi naman sila mahirap ah?Sa katunayan ay mayaman sila.Natigil siya sa kanyang iniisip ng biglang may lumabas na matandang babae sa kanilang bahay.
Tinitigan niya ito,may kulay itim itong mata at payatot din.Sinuri niya ito,bakit ito nasa loob ng kanilang bahay?
Lumakad ang babae sa kanyang pwesto at pinagbuksan siya ng gate.Nang tuluyan ng mabuksan ang gate ay dire-deretso siyang pumasok at 'di tinitignan ang babae.Muka kasi itong isang hanginan nalamang.Nararamdaman niyang sumusunod sakanya ang babae.
"Sir kayo po ba ang anak ni Ma'am Amelia?Pasensya na po kung di ko kaagad kayo napagbuksan.Abala po kasi kami sa preparasyon para sa inyong kaarawan."Tumango nalamang siya,minsan ay nakakatamad talagang mag usap.
"Sino ka nga pala?"Tanong ni Marco,baka mamaya ay kung sino na ito.Mamaya ay magnanakaw pala ito.Mawala pa ang mamahaling gamit nila.
"Cecilia po,ako po ang bagong katulong ninyo.Kadarating ko lang po kaninang umaga."Napatango siya at napaisip siguro ay nasa eskwelahan siya nung dumating ang katulong,hanggang sa makapasok siya sa kanilang bahay ay nakasunod pa din ang katulong.
"Hindi ka naman siguro bibili sa labas diba?"Natatawang sabi niya,umiling ang katulong at napatango nalang siya.Papaano ba naman ay ang lahat ng kanilang nagiging katulong ay pagkatapos bumili sa tindahan ay hindi na bumabalik miske mga driver hindi na din.Hula nga nilang mag ina ay nagtatanan ito.
Nagtungo siya sa salas at doon sa sofa ay panandaliang naupo,maya maya na siya mag papalit ng pambahay.
Pumasok ang kaniyang ina mula sa backdoor nila.Tama nga siya,galing ito sa likod ng bahay nila.
"Marco!Anak,nandito ka na pala?Nakilala mo na si Cecilia?Bagong katulong natin at matanda na din ang kinuha ko upang hindi na maisipan pang makipag tanan.Hay kabataan nga naman ngayon."Iiling iling ang kanyang nanay at humalik sa kanyang pisnge.Nakagawian na kasi ito ng kanyang ina.
Saglit na napaisip ang kanyang ina at napatingin kay Cecilia,"pumunta kang bodega,naroon ang mamahalin nating plato at Marco magbihis ka muna pagkatapos ay tulungan mo si Ate Cecilia mo sa pagbitbit nung mga plato." Umalis ang kanyang ina at nagpunta nanaman sa likod bahay nila.
Tumango siya at itinuro kay Cecilia ang kanilang bodega,nasa ikalawang palapag kasi ang bodega nila.Hindi din niya alam kung bakit.
"Talaga po bang nasa ikalawang palapag ang inyong bodega?"Naguguluhang tanong nito,tumango nalang siya at tinignan ang katulong.
"Hindi ko din alam kung bakit nasa ikalawang palapag iyan,sige ate at mauna ka na susunod nalamang ako.Magbibihis lang ako."nakangiti niyang tugon,tumango ang katulong at umakyat na sa itaas habang siya ay tinahak ang kanyang kuwarto na katabi lamang ng kwarto ng kanyang ina.
Habang nagbibihis ay napapaisip din si Marco,bakit nga ba nasa ikalawang palapag ang kanilang bodega?kung pu-pwede naman itong sa labas nalamang ng kanilang bahay?Naglakad siya sa kanyang aparador,makaluma na ito.Gustong gusto kasi ng kanyang ina ang mga makalumang bagay.May salamin ito sa galid.
Binuksan niya ang aparador at isinarado din pagkatapos makuha ang damit na gusto niya.Tinitigan niya ang kanyang sarili sa salamin ng matapos siyang suotin ang Tshirt niya.
BINABASA MO ANG
Maligayang kaarawan
Mystery / Thriller"Kaarawan ko nanaman....Sana makapiling ko na si papa." ____ (Oneshot)