Part 1

44 2 0
                                    

Ako nga pala si Jessey Ramirez,20 years old,and I am proud to be a NBSB or the so called “NO BOYFRIEND SINCE BIRTH ” 😭

Na-shock ba kayo? Well yun ang totoo. 😆

So much for that,let's start The Story of my Life 😂 😅

Ewan ko ba kung bakit ito biglang nag pop-up sa isip ko,pero dahil sa andito narin naman ay e kwe-kwento ko nalang rin ang nakakalokang nakaraan na ito sa inyo.

Way back 2014, 4th year high school ako nung mga panahon na yan. May ka-klase akong ang pangalan ay Renz,s'ya ay lalake.

Gwapo, maputi, matangkad, medyo may pagka-badboy, matalino, marunong mag-guitara na parang mapapakanta ka na lang ng  “Nasayo na ang lahat”.   Hahaha

Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng mga babae sa loob ng classroom namin,naiinis ako dahil ako yung nakita n'yang pagtripan. Palagi n'ya akong kinukulit o sinasabihan na gusto n'ya daw akong halikan. Dahil sa naiinis ako at hindi ko pa alam ang bagay na iyon o kung paano iyon gagawin ay syempre hindi pumayag ang Lola n'yo. Hanggang sa nakuha n'ya ang cellphone number ko.

Mapa-text o sa personal man ay pini-peste parin n'ya ako.

Crazy MemoryWhere stories live. Discover now