(Thea Marie Buencamino on the Photo hahaha ang baklang babae)
>>>>
Chapter 2:Rejected
Nicole Dominguez
"Jenny" tawag ko sa babaeng abala ngayon sa pagtingin ng mga papel na nasa harapan niya.Napansin niya naman agad ako kaya dali-dali naman niyang iniwanan ang ginagawa at saka lumapit agad sa direksyon ko.
"yes prez?" nakangiting bungad nito sa'kin. Medyo natawa naman ako para talaga 'tong ewan,di mo malaman kung nag overdosed ba ng energy drink o ng enervon eh umagang-umaga kasi ang taas na agad ng energy.Magkaibigan din naman kami niyan pero pagdating dito sa org Prez tawag niya sa'kin.
"madami ba kayong natanggap kahapon na mga bagong miyembro?"tanong ko sa kanya.
"ay oo prez medyo madami madami naman,ay tsaka alam mo ba---" excited na sabi niya pero hindi niya na natapos pa ang sasabihin dahil nagtanong na ko agad tsitsismis na naman kasi siya.Alam na alam ko na 'yan haha.
"dinaan niyo ba sa screening?alam niyo namang ayaw na ayaw ko ng may mga nakakapasok dito na basta-basta lang"
"yes prez,pero alam mo bang---"again hindi ko na naman siya pinatapos,halos matawa na nga ko sa itsura niya ,nakasimangot na naman kasi di ko na naman kasi pinakinggan yung kwento niya.
"okay sige Jenny mamaya nalang after class,bye"sabi ko at tumango naman siya habang nakabusangot pa rin kaya umalis na ko.Mamaya pa naman kasi yung orientation para sa mga new members sadyang dumaan lang talaga ako dito para itanong dahil wala ako kahapon.
Pagkalabas ko ng hall eh dumiretso na ako agad sa classroom dahil may klase pa ko.
--
"uwaaaaa beshie Nicole"dinig kong ngawa na naman ng magaling kong kaibigan,jusko sino pa ba eh di si Thea Marie.Ang babaeng bakla na mahilig lumandi at magdrama.
"uwaaaaaaaaaaah !" ngawa ulit niya sabay salampak ng mukha sa table at doon umiiyak kuno.
Sus maryosep ayan na naman yang bibig niya.Hindi ba siya nahihiya pati ba naman dito sa cafeteria di niya mapigilan yang bibig niya?? Pinagtitinginan na naman kasi kami ng mga tao .Kadarating niya lang agaw-eksena na naman agad siya .Ang tahimik ko dito kanina tapos manggugulo na naman siya hay naku kung di ko lang 'to kaibigan eh.
BINABASA MO ANG
The Campus Royalties: Out of My League(GxG)
Teen FictionKatelyn Dizon-si Miss Nice girl ng grupo,late bloomer,doesn't know anything about love and Nicole Dominguez-si Miss ordinary. The girl with a broken heart. (FonBelle fanfic )