Chapter 1
"Don't leave me!"
"Tsk. Iwan mo na 'yang babae na 'yan."
"I'm sorry. That time I'm drunk and I can't control myself"
"Can't Control myself tsk. Pakulo netong babae na'to. Hiwalayan mo na 'yan. Matagal ka nang niloloko nan"
"James give me another chance please." hinawakan 'nong babae yung kamay ni James. Tahimik lang si James na nakatingin sa girlfriend niyang niloko siya.
"Tsk" Nakakatanga at nakakainis. Pinatay ko na 'yung t.v. kasi alam ko na maniniwala yung lalaki don sa pinagsasasabi nong babaeng 'yon. Tss.
"Bakit mo pinatay ang tv?" sabi ni mommy.
"Tss. Ewan. Kumilos bigla yung kamay ko my at pinatay yung tv."
"My ang ibig niyang sabihin naiinis siya sa pinapanood natin kasi gan--- AAAHH!!" binato ko ng malakas ng unan.
"Bakit mo ginawa 'yon?"
"Gumalaw mag-isa yung kamay ko, sorry. Ayaw ata niya sa madadaldal na kapatid" sabay tinignan ko siya ng nakataas ang isang kilay na parang kinukumpira at may ngisi sa labi ko.
"My!!! Si ate oh!" tss.
"Ang ingay niyong dalawa!" sabay binuksan na naman yung tv. Tss
"James please. Please. Give me another chance" umiiyak na sabi niya. Tss
"No. I tried to understand you, I tried to understand everything about you! I know, matagal mo na akong niloloko but I keep on understanding you! I love you that much so even you are fooling me I'm still here. But me being a fool is enough." Tsk. Tama yan. Tama na ang katangahan natin. Huh? natin? Tsss. "I'm such an idiot to like and love you." yeah tama 'yan i feel you James. "Pero hindi ako nagsisisi na nakilala kita. 'Cause meeting you I learned a lesson. Thank you Adeline. Sana makakilala ka ng lalaking makapagpapabago sa iyo. Nong una akala ko ako na yung makakapagpabago sayo pero mali pala ako. Maybe I am not the right guy for you. Thank you Adeline. Goodbye" tinanggal niya na yung kamay niya sa kamay ni Adeline at umalis na. Si Adeline naman ay napa-upo sa sahig at naiyak, no, nahagulgol. Tama lang 'yan sayo. It's your fault Adeline. Nakaka-awa si James.
"Aww. Ang sakit siguro non, diba ate???"
Binato ko na naman ng unan."AAAHHH! ANO BA ATE?! NAGTANONG LANG NAMAN AKO AH?!"
"Sinisigawan mo ako bata?"
"BATA?!! ANON-- Ate naman, akala ko lang hindi mo marinig hehe" babatuhin ko sana ng remote.
"Tsk. Bata umayos ka ah!" ngumisi naman yung kapatid ko. Nakakainis ah. Naguguluhan si mommy sa kinikilos namin. Tsk.
My boyfriend ako dati, i mean ex. Playboy. Hindi ko nga alam kung bakit ako napa-oo 'nong ex ko. At ano ang nasa utak ko non. Tsk. Ginayuma ata ako 'nong gag*ng yun eh. Isa akong tanga samantala siya ay isang mapanlarong lalaki. Tanga ako dahil naniwala ako sa mga sinasabi niya. Tanga ako dahil kahit alam kong niloloko niya ako nananatili parin ako sa kanya. Tanga ako dahil kahit gusto nang isip ko na hiwalayan na siya ayaw naman ng puso ko. Tanga ako dahil hanggang ngayon mahal ko parin siya kahit alam kong niloko niya ako at ginawang tanga lang. Tanga ako dahil sa kanya. Ewan ko ba, masyadong magaling magpaikot 'yon ng mga babae. Ilang beses ko na siyang nahuhuling may babae. Dahil nga tanga ako, tinatanggap ko ang bawat paliwanag niya at naniniwala ako sa kanya. Pero sobra na. Napupuno na ako, sumosobra na ang katangahan ko.
Nong nakita ko siya sa bar, nagyayaan kasi kaming magkakaibigan. Nakita ko siya sa isang table, may nakakandong na babae sa kanya.
"Oh look, yung boypren mong mahal na mahal mo may kasamang babae at take note, nakakandong pa sa kanya" sabi ni Nikki