Dedicated sa kanya kasi nawiwili ako sa Once Upon a Summer (kakasimula ko pa lang basahin) at Escape with the Perfect Stranger... though most of the time eh mobile reader lang ako...
sana po magustuhan niyo ang kwentong ito... salamat sa pagbabasa....
kung gusto niyo po, oplay niyo yung music while reading... ;)
________________________________
"Ate naman, bilisan mo nga! Mahuhuli tayo sa last trip nito eh!" Reklamo ni Gio sa akin.
>_<
"Sorry lang! Hindi ko namang kasalanan na nag-overtime si Sir eh." Sagot ko naman.
7:15 na, dapat hanggang 7PM lang yung klase namin eh, masyado lang talagang enjoy magturo yung professor namin sa philo kaya di namin namalayan yung oras. Usually hanggang 7PM lang din yung jeep na papunta sa amin. Medyo malayo kasi yung lugar namin at kaunti pa lang yung sasakyan papunta doon. Kapag nahuli kami sa last trip, magdodouble ride pa kami at laking kaltas na sa allowance yun kasi for sure, ako magbabayad pamasahe nitong kapatid ko pag nagkataon.
Pagdating namin sa may sakayan, saktong dumating naman yung huling jeep. SWERTE!
"Oh Talisay! Talisay! Dali na last trip na ito!" Tawag nung dispatcher.
Agad kaming sumakay ni Gio. Syempre, basta ganitong unahan at siksikan, sanay na ang beauty ko. Hindi naman kasi ako kasing hinhin ni Maria Clara. Ako yung naunang pumasok at agad akong naupo sa pinakadulo malapit sa entrance tapos sa side ko naman si Gio.^______^ Oh diba, galing kong dumiskarte?
Ayaw ko kasi sa dulo yung malapit sa driver, hassle sa pagbaba lalo't nasa unahang parte lang kami ng lugar namin.
Punung puno yung jeep at yung mga di nagkasya, wala ibang choice kungdi pumunta sa ibang sakayan. Mayroon ding mga "shortliner" lang, yung mga sa malapit lang o di kaya ay nagtitipid o nagmamadaling makauwi kaya nagKABIT na lang sila. Syempre mga lalaki lang yung KUMABIT sa jeep, bale tatlo sila.
Ugali ko talagang matulog sa jeep. Una, kasi lagi ko namang kasama si Gio kaya kamapante ako; at pangalawa, madalas kasi akong pagod. Buti nga at wala pang nangyayaring masama sa akin sa nakaugalian kong 'to (-_*) (wink)
Napahilig na ako sa balikat ni Gio nang dumako ang tingin ko sa isang lalaking nakakabit sa jeep at nasa tapat talaga ng entrance.
BINABASA MO ANG
Ang Gwapong Kabit (one shot)
Short StoryMinsan talaga, nalilinlang tayo ng ating mga mata at nadadala tayo sa maling akala... Basahin niyo na lang po nang inyong maintindihan... PWEDE po ito SA LAHAT ng OPEN MINDED... Wehehe. AT basahin niyo na po muna sana ang kabuuan bago niyo husgahan...