Third Person's POV
They all gathered at the rooftop. Sa may rooftop, makakakita sila doon ng apat na kutsilyo. Isa isa silang kumuha ng sarili nilang kutsilyo.
Nagtitigan ang apat. Minamataan kung sino sa kanila yung error na yun.
"Sure ba kayong nasa ating apat ang killer?" Tanong ni Andy.
"I don't know, i'm confused" litong litong sambit ni Riza.
"Shall we kill each other?" Mahinang sabi ni Shawnee.
Nagkaroon ng katahimikan. Maya maya, nagsalita na bigla si Cheska.
"Kung kayo ang tatanungin, sino sa ating apat ang killer? Itapat niyo sa kanila yung kutsilyo kung sino ang napaghihinalaan niyo" Napatahimik sila lalo.
"Pagbilang ko ng tatlo, itatapat niyo sa kung sino man napili niyo. Isa, dalawa, TATLO!" Sabay sabay silang nagtapatan ng kutsilyo.
Nakatapat ang kutsilyo ni Shawnee kay Cheska. Si Cheska, nakatapat kay Andy. Si Andy, kay Riza. Si Riza, kay Shawnee.
"B-bakit ako?!" Di makapaniwalang tanong ni Andy kay Cheska.
"Napapansin ko na palagi mong siniseen yung messages sa gc. Fishy eh?"
"Porket seener eh ako na agad?!" Tinanggal ni Andy ang kutsilyo sa harapan ni Riza at tinapat ito kay Cheska.
"Bat masyado kang defensive? Ikaw ba?"
"Hoy! Sumosobra ka na ah!" Nanggigigil na sabi ni Andy at bigla nalang niyang inatake si Cheska.
"Andy!" Inawat nila Riza at Shawnee si Andy.
"Baka ikaw yun! Bat bigla bigla mo nalang ako pinagdudahan ha?!"
"Too defensive, too obvious" Nagpagpag ng damit si Cheska at lumapit kay Andy.
"So ikaw nga..." kinwelyuhan niya si Andy.
"B-bakit...BAKIT?!"
Nagpumiglas si Andy at nagawa naman niya iyon. Kinuha niya ang kutsilyo at lumayo nang konti sa kanila.
"A-anong ginawa namin sayo?" Lumapit si Cheska kay Andy. Napaatras naman si Andy.
"H-hindi nga sabi ako y-yun!"
"Bat ka nauutal? Tsk guilty" Lapit nang lapit si Cheska habang atras naman nang atras si Andy hanggang sa wala na siyang maatrasan.
Isang atras niya, mamamatay na siya. Nasa rooftop sila, mataas ito.
"Ano? Bat ayaw mong sumagot?!"
"Hindi nga sabi ako yun!" Sigaw ni Andy. Tinapat niya ang kutsilyo kay Cheska.
"Bakit ba ako?! Bat hindi mo sila tanungin?! Bat di mo tanungin sarili mo ha?!" Napatawa si Cheska.
"Me? You must be kidding me" Tinapat rin ni Cheska ang kutsilyo kay Andy.
"Ah ganun? Osige! Patayin mo na ako kung ako yun! Diba sabi mo ako? Oh edi ako!"
"AAAHH!!!" Isasaksak na niya pero tinigil niya ito.
"Oh ano? Bat di mo pa tinuloy?! Oh dali!" Binitawan ni Andy yung hawak na kutsilyo at hinawakan ang kamay ni Cheska na may hawak na kutsilyo at pilit na isinasaksak sa sarili nito.
"H-huwag ka ngang magulo!" Sigaw ni Cheska habang pilit na inilalayo ang kutsilyo sa parteng puso ni Andy.
"Isaksak mo! Bat di mo magawa?! Kung ako ang killer, at hindi ikaw, isaksak mo! Kung hindi mo magawa, ibig sabihin lang nun, ikaw ang killer sa atin!" Naghihigitan na sila dun ng kutsilyo.
"Sinabi nang wag eh!" Hinigit ni Cheska nang malakas ang kutsilyo dahilan para mahiwa ang kamay ni Andy.
Di namalayan ni Andy na nawalan ito ng balanse. Tuluyan nang nahulog si Andy sa rooftop.
"ANDY!!!!" Inabot ni Cheska ang kamay nito ngunit hindi na siya nakaabot.
Napaluhod si Cheska. Pinagsisihan niya ang nangyari. Gusto na niyang patayin ang sarili niya sa nagawa niya.
"C-cheska!" Haharap na sana siya nang may maramdaman siyang tumusok sa bandang puso niya. Napahawak siya dito.
Hinarap niya ang tao na yun.
"Say goodbye to the two of you" bumagsak na sa sahig si Cheska.
Unti unti nang nanlalabo ang paningin niya.
Pero bago pa tuluyang nawalan ng malay si Cheska, nakita pa niya si Shawnee na duguan, at hinulog sa rooftop.
At alam nito na siya na ang isusunod na ihuhulog.
BINABASA MO ANG
𝗢𝗙𝗙𝗟𝗜𝗡𝗘
Short Story𝘪𝘯 𝘸𝘩𝘪𝘤𝘩 𝘢𝘯 𝘶𝘯𝘬𝘯𝘰𝘸𝘯 𝘮𝘦𝘮𝘣𝘦𝘳 𝘪𝘯 𝘵𝘩𝘦𝘪𝘳 𝘨𝘳𝘰𝘶𝘱𝘤𝘩𝘢𝘵 𝘴𝘦𝘯𝘵 𝘢 𝘷𝘪𝘥𝘦𝘰 𝘤𝘰𝘯𝘵𝘢𝘪𝘯𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘩𝘦 𝘮𝘦𝘮𝘣𝘦𝘳𝘴 𝘸𝘩𝘰 𝘸𝘦𝘯𝘵 𝘰𝘧𝘧𝘭𝘪𝘯𝘦. 𝙙𝙖𝙩𝙚 𝙨𝙩𝙖𝙧𝙩𝙚𝙙 : 111817 𝙙𝙖𝙩𝙚 𝙚𝙣𝙙𝙚𝙙 : 112317 𝚌𝚘�...