Chapter 3:
Kim POV.
After 20 minutes ay nakarating na din ako, traffic kasi papunta sa bahay nila.
Nang bumaba na ako sa kotse ko ay pansin kong parang may nakatingin sa akin.Nang dahan dahan ko na sanang titignan na kung ano o sino ito. Pero naka talon naman ako ng walang oras dahil ginulat ako nila tita.
"Oh, kim napadalaw ka". Masayang sabi ni tita.
"Magandang hapon po tita". Masaya kong bati kay tita. "Tita, Si tito po? May gusto po sana akong sabihin sa inyo". Sabi ko kay tita na agad namang pumasok sa loob ng bahay nila.
"Andito ako sa loob kim, pasok ka na muna" sabi ni tita. "Oh, ano pala sasabihin mo sa amin kim?" Sabi ni tito nang naka pasok na ako ng bahay nila.
"Ahh, gusto ko po sana isama si Loreen sa night party po ni stacey mamayang gabi po, gusto po niya sanang sumama kaso po baka hindi po ninyo payagan." Kinakabahan kong sabi.
"Oh sige, basta aasahan ko na kasama kayo ni loreen pag umuwi kayo ok?" Paninigurado nila tita at tito.
"Opo masusunod tita at tito". Masaya kong sabi at yumakap sa kanila. "Uhhmm. Aalis na po ako tita at tito, mag aayos pa po ako eh, text ko na lang po si loreen na pinayagan po ninyo" Pag papaalam ko sa kanila.
"Oh sge, ingat sa pag uwi kim". Naka kaway na sabi ni tito.
"Salamat po" nakangisi kong sabi.
"Like kim, hatid na kita sa gate" sabi naman ni tita.
"Salamat po tita" masaya kong sabi sa kanya.
Nang maka labas na ako ay kumaway muna ako kay tita bago ako pumasok sa aking kotse at pinaharurot ang red kong kotse.
Nang nakita kong traffic pa, kinuha ko agad ang phone ko para matext si loreen na pinayagan na siya at umuwi na para maka bihis na ng maganda.
Ang mga magulang ni loreen ay parang magulang ko na din, kaya ganun na lang sila makitungo sa akin. Simula nang mamatay sila mom and dad, sila na ang tumayong parang magula ko na din.
Halos 9yrs. Na kaming nag kaibigan ni loreen, halos lahat ng bagay alam namin ang lahat.
Natauhan ako ng biglang may bumesina sa likod, ay green light na pala hindi ko napansin hehe.
⊙⊙⊙⊙⊙⊙⊙⊙⊙⊙⊙⊙⊙⊙
@slvr.mtrx
Pa shout out kay 😂:
