Chapter 2

1.1K 35 9
                                    

''Kuya Ria... este Ate pala, Lets go na sabay ka na saamin!'' ani Paula nang makapasok ito sa loob.

''Wait lang.'' ako. inaayos ko muna yung pagkaka-suot ko ng uniform at kinuha ko na yung bagpack ko at lumabas na ng kwarto.

''Kuya Ria....... Waaaaaahhhh. You look so pretty!'' aniya sabay lapit saakin.

''I know right'' sabi ko sabay hawi ng hair ko.

''For sure, maraming mag tataka at i know na ikaw lang ang naka-uniform na pang boys pero fitted na pang girls. Grabe lang!'' aniya habang tinitignan yung uniform ko. Yes you heard it right. Hindi ko alam kung saan nila Tita at Mommy kinuha tong uniform ko.

''Wala bang hair policy dun?'' tanong ko ng maisip ko na baka mabawasan tong hair ko na naka-bob cut!! Baka hindi na ako makapag hair extension nun.

''Wala naman, hindi naman strict yung school natin eh'' sagot niya at napa-hingang malalim naman ako. Buti na lang at kung hindi ay kailangan ko ng maraming hair clips para matago tong long hair ko. 

''Kasi naman eh, 2nd quarter na pina-transfer pa ako ni Mama.'' ani ko. at nag ayos lang unti at nag lagay ng concealer at bb cream sa face tapos lipbalm lang para hindi ma-dry yung lips ko.

''Lets go na.'' sabi niya at hinila na ako. Wala naman akong nagawa at sinuot na lang ang bag pack ko. Ni-lock ko muna yung pinto at saka sumunod kay Paula para bumaba.

Hindi na ako nag taka na nag mamadali din yung mga kasama ko dito sa apartment lalo na yung mga boys na ang ta-tangkad lang at mukhang mga college na nga. Pag dating sa baba ay naka-salubong ko pa si Jane na naka-uniform na at nag susuklay.

''First day mo ngayon diba?'' tanong niya saakin.

''Ahh, oo.'' sagot ko.

''Kitakits tayo mamaya.'' aniya sabay pasok sa loob ng room nila. 

Lumabas na kami ng apartment at pumunta sa bahay nila Tita at sakto naman na kakatapos lang din nila Kuya Dexter at Kuya Derek mag breakfast. Inalok pa ako ni Tita na ma-upo at tikman yung carbonara niya.

''How is it?'' tanong ni Tita at titig na titig lang saakin.

''As usual Tita, It's taste best'' ani ko sabay thumbs up.

''Mom, mamaya na kayo mag bonding ni Riri. Late na kami!'' sabi ni Kuya Derek.

Nag paalam naman na kami kay Tita at lumabas na kami ng bahay nila, Pinag baon pa talaga ako ni TIta ng chicken sandwich favorite daw kasing breakfast ni Paula yun kaya ginawan niya din ako!! 

Kotse ni Kuya Derek ang gamit namin at sumabay na lang din si Kuya Dexter. 4th year college na si Kuya Derek sa kursong Civil Engineering at si Kuya Dexter naman ay 2nd year college taking BS Fine arts Major in advertising.

Nag kwentuhan lang kami ng kung ano-ano pa about sa magiging school ko nga yun at i-expect ko daw na marami ang aaligid saakin dahil sa itsura ko. Ganun daw talaga at kailangan ko lang daw masanay. Nag taka nga sila at ganito yung uniform ko eh, fitted na pants na dark blue at white na polo na fit din sa katawan ko at may logo sa left side.

Hindi naman na sila nag taka sa mga kalokohan ni Mama at Tita pag nagkakasama sila. 2 lang kasi silang mag kapatid at bunso si Tita!! Nahawa siguro sa mga kalokohan ni Mama. 

Hindi ko kinaya yung course nila, kung may course lang na pang Beauty Queen ayun lang ako eh!! May 1year pa naman ako para mag decide kung ano'ng coursre kukunin ko pag nag college. Sa ngayon enjoy muna ang last year sa high school!! 

Nang makarating kami ay nag park muna si Kuya Derek at sabay-sabay naman kaming lumabas ng kotse. Namangha naman ako sa laki nitong University!! Grabe lang sa laki. Mula dito kitang-kita ko yung football field. Napa-ngiti na lang ako habang napatingin ako sa mga studyante. 

My Accidental Boyfriend (boyxboy) (gayxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon