CHAPTER 31

157 5 13
                                    

Tricia’s POV

Isang  oras na ang nakakalipas hindi pa din tumatawag si DJ. Sinusubukan ko naman siyang tawagan pero nakapatay naman yung cellphone niya. Hindi na ako talaga mapakali.

Bumaba ako ulit sa living room pero may kausap si JC sa phone..

“Hello? Oh tito mark!” Sagot niya.

Si tito mark pala kausap niya, Ewan ko pero mas lalo akong kinakabahan.

“ANO PO?!” Sigaw ni JC sa telepono.

Bakit siya nagulat? Anong nagyare? Andito lang ako sa likod ni JC hindi niya ako nakikita hindi dn ako makagalaw napako mga paa sa kintatayuan ko sa sobrang nerbiyos.

“Kamusta po si Kuya? Nasa hospital pa din ba kayo?”

Kuya….

Si DJ….

Hospital?!!!

Sabe ko na eh! May nangyari talagang hindi maganda dun kanina pa ako kinakabahan. Jusko po.

“Osige sge po, opo.. Ingat po kayo diyan, pakumusta po ako kay kuya. Bye” Pinatay ni JC ang phone saka siya napaharap sa kin at nagulat.

“Oh trish. Kanina ka pa nandiyan?”

“Anong nangyari kay DJ?” Seryoso kong tanong naiiyak na ako.

“Ah, Okay na siya trish.” Tipid lang niyang sagot.

“JC, Please? Narinig ko na. Nasa hospital siya. Anong nangyare sakanya!?” Medyo naiinis na ako, hindi pala, naiinis na talaga ako. Bat ba ayaw niyang sabihin..

“Trish, ayaw kitang mag-alala-“

“Mas lalo lang akong mag-aalala kung hindi mo sasabihin!”

Huminga siya ng malalim..

“Binugbog daw siya at tumama yung ulo niya sa bato, nasa hospital pa din siya ngayon. Wala padin malay.”

“ANO?!” Gulat na gulat ako sa sinabi niya.

“Hindi ko din alam kung ano ang nangyare, basta yun ang sabe saken ni Tito Mark…”

Hindi ako sumagot, nanatili lang akong nakatayo habang tumutulo mga luha ko. Sobrang nag-aalala ako. Sobra, bat ba siya nakipag-away? Leche naman yung mga nagbugbog sakanya!

“Trish, kaya ayaw ko sabihin sa’yo to eh. Wag ka na magalala magiging maayos si kuya.. “

Napaupo sa couch..

“JC Bakit bat lage si DJ  yung naaksidente? Paano, paano kung –“ hindi ko na masabe yung mga gusto ko sabihin dahil sa mga luha ko..

“Trish, tama na..” Tinatapik na JC yung likuran ko

“Paano kung, hindi nanaman niya ako maalala!? Huh? Paano kung makalimutan nanaman niya ako, hindi pa nga niya akong lubusan nakikilala paano kung mawalan nanaman siya ng alaala.” Tuloy tuloy kong sabe kay JC.

“Wag mo isipin yun, hindi mangyayari yun trish. Tahan na.”

Daniels POV

“Pat, wag ka na iiyak. Nalulungkot ako lalo eh”

“Oo, hindi na ako iiyak. Alam ko naman na hindi mo ako kakalimutan eh. Diba?”

“Para saan to?”

“Ibato mo yan diyan sa may ilog, tas isigaw mo yung gusto mo sabihin saaken”

“Daniel John Padilla! Hindi na ako magiging iyakin! Hindi mo naman ako kakalimutan diba? Pero pangako ko sa’yo na mamahalin kita habang buhay!”

“Patricia Anne Hernandez! Hinding hindi kita kakalimutan, mananatili ka dito sa puso ko kahit anong mangyare! Pangako ko sa’yo mamahalin kita ngayon, bukas at magpakailanman!”

Nagising ako.

Ano yun? Nanaginip ako? Si tricia? At ano? Ano sinabe ko?

“Patricia Anne Hernandez! Hinding hindi kita kakalimutan, mananatili ka dito sa puso ko kahit anong mangyare! Pangako ko sa’yo mamahalin kita ngayon, bukas at magpakailanman!”

Sumasakit ulo ko, teka. Nasaan ba ako?

Aray.. Ang sakit ng ulo ko..

“Goodmorning Tita!”

“Goodmorining iho. Mag-almusal ka na.”

“Wow! Oatmeal! O tara trish! Kain na daw!”

“Ang takaw mo talaga DJ!”

“Mahal mo naman.”

“SUS! Mahal mo din naman ako.”

“Buti alam mo..”

Ano tong mga pumapasok sa isip ko?

Puro si tricia?

Ano to, nakakaalala na ba ako?

“Trish.. Wag ka na magalit”

“Hindi naman ako galit, dun ka na sa bago mong GIRLFRIEND!”

“Huh!? Hindi ko naman girlfriend yun eh. Ikaw lang girlfriend ko eh.”

“O bat ang sweet niyo?!”

“Ehh, agad ka naman nagseselos..”

“Hindi no!”

Aalis na dapat siya ng bigla ko siyang yakapin..

“Ikaw lang girlfriend ko, ikaw lang mahal ko. Kaya wag ka na magselos wala na tayong magagawa kase sobrang gwapo na talaga boyfriend mo eh,”

“Yun na nga eh! Sa sobrang gwapo ang dami kong kaagaw!”

“Edi inamin mo din na gwapo ako? Haha  basta tandaan mo, kahit gaano kadami ang kaagaw mo ikaw lang, ikaw lang nakabihag ng puso ko. Ikaw ang mahal ko, ikaw lang girlfriend ko.. ”

Hindi ako makapaniwala sa mga pumapasok sa mga isip ko’t mga naaalala ko.

Girlfriend ko si Tricia?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 05, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PLEASE TELL ME WHAT TO DO!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon