Chapter 28 Paglalasing

453 37 0
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Kinagabihan

Ruru's POV

Nasa bar kami ngayon. Si rocco at marx kanina pa ako pinapatigil mag inom. Habang ako patuloy parin ang pag iinom. Di ko naman akalain na magagawa nya yun saakin. Sobrang sakit dahil lahat ng babae niloko lang ako. Ru tama na sabi bi rocco. Ayaw hik hik ko pa nga sabi ko. Tol tama na di paglalasing ang makakapag alis ng galit mo sabi ni marx. Pagshinabi kosh na ayaw kosh pahh ayaw kosh pa sabi ko na naiyak. Tol baka naman di sinasadya ni kylie ang nangyare sabi ni marx. Baka inedit lang na nag kikissback si ky sabi ni rocco. Di nalang ako nag salita.  Nakinom narin sila. Makalipas ang dalawang oras. Tol lasing na lasing ka na sabi ni rocco. Tol uwi na ako nalalasing na ako sabi ni marx. Ako rin umuwi ka na haaa sabi ni rocco. Tumango nalang ako.  Bakit nyo ba ako sinasaktan sabi ko. Bakit sa dinami dami ng tao kailangan ako pa ang masaktan ng ganito. Sana di nalang ako nagmahal.

Gabbi's POV

Nasa bar na ako pinagmamasdan ko si ruru na iyak ng iyak. Hayaan mo mahal ko ako ang magmamahal sa iyo ng tunay. Ngayon magagawa ko na ang plano ko para tuluyang mapaghiwalay na kayo ni kylie. Hahahaha (evil laugh) Ako lang naman ang nag send ng video kay ruru. Ang dali naman kasi maloko di manlang chineck kung edit. Nakita ko na bumagsak na sya. Pinuntahan ko naman ang mga alagad ko. Kunin nyo na sya sabi ko. Kinuha na nila si ruru.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Kinabukasan

Ruru's POV

Nagising ako grabe ang sakit ng ulo ko. Pero wala nang sasakit na pinagtaksilan nya ako. Pero parang ibang bahay ito. Natatandaan ko na bahay ito ni gabbi. Ano ginagawa ko dito. Lumabas ako ng kwarto. Nakita ko si gab  kasama ang dalawa nyang alalay. Anong ginagawa ko dito tanong ko. Tinulungan kita nakita ko kasi na nakatulog ka sabi ni gab. Ru may kailangan ipag tapat sa iyo si gab sabi ni lovi. Ano iyon sabi ko. May may sabi ni gab. May ano sabi ko. May nangyari sa atin sabi ni gab. Anoo sabi ko. Bigla akong nanghina mas malaki palang pagtataksil ang nagawa ko kay kylie. Napaiyak nalang ako. Paano paano nangyari yun wala akong matandaan sabi ko. Ikaw ang unang humalik nadala lang ako ng damdamun ko. Lalo akong nanghina ako pa pala mismo ang gumawa nun. Kung may mabuo man sa inyong dalawa sana panagutan mo iyon sabi ni maxine. Wala walang mabubuo sa aming dalawa may girl friend na ako sabi ko. Pero break na naman kayo diba sabi ni gab na umiiyak. Umakyat ulit ako tapos kinuha ko lahat ng gamit ko at umalis na.

Max's POV

Nagawa na namin ang step 3 na mag kunwari kunwarian na may nangyari sa kanilang dalawa. Pero wala naman talaga. Napakadali pala ma uto ng ex mo sabi ni lovi na natawa. Correction future boy friend ko na it dahil dun sa pekeng tyan sabi ni gab. Hahahaha sigurado ako pag nalaman yun ni kylie lalo silang maghihiwalay sabi ko.

On the other side

Sanya's POV

Dito muna kami pinatulog ni tita at tito. Naawa na ako kay kylie. Ni hindi pa sya nakain at natutulog naiyak lang sya at sinisisi ang sarili nya kung bakit nag break sila. Si glai panay parin ang katok ng katok sa pintuan ni kylie. Di rin sya nalabas ng kwarto nya. Kahit kami ni glai naiiyak narin. Sana di nalang sya nasaktan ng ganito. Di kami sana'y na naiyak sya. She's a strong woman.


Kylie's POV

Ganoon ba ako kasama para iwanan nya. Nagkulang ba ako. Mali ba ako. Bakit kailangan nya akong iwanan. Sana di nalang ako pumunta sa bar. Sana di ako nag inom. Yan lagi ang pumapasok sa isip ko. Kahit pana'y katok sina glai di ko punapansin ni hindi pa nga ako nakain at natulog. Di parin ako balabas ng kwarto. Hanggang ngayon iyak ako ng iyak. Di ko alam kung anong gagawin ko pag iniwan nya ako. Nakakita ako ng nail cutter. Kinuha ko ito at isasaksak ko na dapat pero nabuksan nila ang kwarto ko.

Glaiza's POV

Nakita namin si ky muntik na isaksak nya sa sarili nya ang nail cutter. Buti nabuksan agad namin ang pintuan. Kylie itigil mo yan sigaw ni tito. Mom,Dad eto lang ang tanging paraan kung paano mawawala ang sakit sabi ni kylie. Kylie di kita inanak para magpakamatay sa isang lalake at di kita pinalaki para saktan lang ng lalake sabi ni tita. Mom,Dad di ko kaya mawala sa akin si ruru sabi ni kylie. Kung nakaya mo na mawala sya nuon sa buhay mo kayanin mo ngayon sabi ni tita. Napiyak nalang kami. Yumakap sa amin si kylie. Tama kayo mom,dad sabi ni ky.

Kylie's POV

Bumaba na si mom and dad kaming tatlo nalang nina sanya ang natira. Paano na ako pag nawala sya sabi ko. Ky gumawa ka ng bagong kabanata ng buhay mo sabi ni sanya. Di ko kaya na wala sya sa tabi ko sabi ko. Kung ganoon kylie patunayan mo na karapat dapat kang balikan ipamuka mo na nagkamali sya sabi ni glai. Siyasatin mo ng mabuti yung video or ipacheck mo kung edited or hindi sabi ni sanya. Gumawa ka nang paraan para magkabalikan kayo sabi ni glai. Tama kayo sabi ko. Kaylangan ko ipaglaban ang akin sabi ko pa. Ganyan kylie dapat maging malakas ka sabi ni glai. Ngumiti ako sa kanila. Ang akin ay akin kaya walang makakakuha nito.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------
Cut
To be continued
PLS VOTE MY FIRST STORY PLLSSS
Give suggestions din po

#IPAGLABAN MO KYLIE
#Pls Vote and give suggestions

Ano na kaya ang mangyayari abangan sa susunod na kabanata charots abangan sa susunod na chapter ng mr.right. Maglalagay na nga lang si author ng hashtag may kasama pang vote. Hahahaha so babush. Lab yahhh all 😙😙😙😙😙😙😙😙😙😙😙😙😙😙😙😙😙😙 Bukas 2 chappies po

Mr.Right Where stories live. Discover now