Chaoter 2:

5 1 2
                                        

Maureen's POV

Katatapos lang ng klase ko at matiyaga kong hinintay ang bestfriend ko na si Kate sa may park malapit sa campus namin. Mag kaiba ang kurso namin kaya tuwing vacant or break time lang kami nagkikita. Nag usap kami na pumunta sa bahay nila Kate. Kapag naiinis o napupuno na kasi ako sa bahay kela Kate ako tumatambay.

"wow huh !!! Ang bilis mo nakapunta dito Kate"
-_____-
sabi ko ng mamataan ko sya na palapit sakin.

"eh kasi naman ung hukluban naming propesor wagas makapag overtime"
nakalabing sabi nya kaya natawa nalang ako sa kanya

"hahaha tara na nga loka ka talaga"

Magkasabay kaming nag lalakad ni Kate habang nag kekwentuhan ng kung anu-ano ng may mabunggo ako.

Yung feeling na para akong papel na humampas sa poste -!- yun yun eh kaasar. Tas natapon pa mga gamit ko -_____-

Naiinis na yumuko ako at pinagpupulot ko ang mga gamit ko. Pinagtitinginan na din kami ng mga tao. Wow huh !!! Ngayon lang sila nakakita ng magandang nagpupulot ng mga tumapong gamit ?? hahaha echoss lang.

"im sorry"
sabi ng poging boses na parang ang sarap pakinggan. Lasang ice cream hahaha. Eh anu !!!! Hindi sapat ang sorry lang no hmp !!! Dapat may kiss hahaha landi ko. Matarayan nga.

"kasi naman uso tumingin sa dinadaanan, try mo minsan di naman nakakamatay"
sabi ko ng hindi tumitingin sa lalaki kasi inaayos ko gamit ko.

"let me help you"

"alam mo dapat kanina mo pa ginawa yan. Anu yun kung kelan tapos na tsaka ka mag ooffer ng tulong ?? Ikalat ko nalang kaya ulit mga gamit ko tapos pulutin mo"
inis ah.
Nilingon ko si Kate. Huh ?? Anyare dito namimilog ang mga mata at kulang na lang tumulo ang laway nya. Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan nya. OMG O___O Pogi !!!
Sya ba yung nakabangga ko ?? Ang ganda ng mata nya. Feeling ko kaya nya akong ihiptonize hahaha .
Bumaba ang tingin ko sa ilong nya . Tangos men, pointed. Tapos kissable lips *0*

Ang gwapo nya, kung tititigan ko siguro to mag hapon hindi ako mag sasawa sa mukha nya XD Ang simple lang ng suot nya, plain blue shirt at tsaka kupas na pantalon. Kung iba siguro nag suot nyan mag mumukhang basahan hahaha bad ko .

"are you done checking on me miss ?? You're drooling hahaha"

nagulat ako sa sinabi ng lalaki at napahawak ako sa bibig ko. Wala namang laway eh -___- yabang din ng isang to ah .

"hahaha"
sige tawa lang .

"tara na nga Kate"
at hinatak ko na si Kate na nakanganga pa rin :3

I was being foolished . Yun ang unang beses na natulala ako sa harap ng lalaki and worst sa harap pa ng maraming tao -,-

Tapos ang hudyo na lalaki mukhang tuwang tuwa pa sa reaksyon ko .

"thank you"
pahabol ng lalaki . Pang asar talaga

"ang gwapo naman ng lalaking yun parang model"
komento ni Kate

Napangiwi ako. Kaya pala hindi nya ako tinulungan kanina kasi maging sya ay nakanganga din sa lalaki. Well hindi ko rin masisisi si Kate kasi gwapo naman talaga sya. Ako nga natulala din eh si Kate pa kaya na mukhang gwapo hahaha.
---------

Sinadya ko na umuwi ng late. Dadalaw mamaya ang boyfriend ni Dana sa bahay at kapag ganung my mga kaartehan sa bahay ay sinasadya kong hindi makisaya. Na OOP ako eh -___- Isa pa hindi naman ako diretsahang inimbita nila so why bother diba. Alam ko namang hindi gusto nina bruhang Audre at demonyitang Dana ang presence ko eh.

Unwanted RomanceWhere stories live. Discover now