Simula

12 0 0
                                    

" Starting right doesn't mean it will end right... "

"Mariella! Bakit ganun ang ending ng story nila Jarius at Medine? Dapat nagkatuluyan sila eh! Ang bitter mo naman hmp! Waaaaah!"
Kanina pa ako tinatanong ni Jasha kung bakit daw sad ending imbes na happy ending ang wakas ng story ko.
Eh bakit ba? Story ko naman yun e. At paulit ulit lang ang sagot ko sakanya,

"Wala naman kasing permanente sa mundo, wag kang umasa sa happy ending. Ang mga istorya ko ang magpapamulat sainyo na ganun talaga ang reyalidad. Sa una lang talaga masaya dahil simula palang, pero habang tumatagal ay may halo ng sakit dahil sa mga problema, parang istorya ni Jarius at Medine. Nung tumatagal na ay hindi na masaya kaya nagpasya nalang sila na tapusin nalang ang relasyon nila para di na sila masaktan, 'di ba?" Sagot ko. "At saka ano ba? Istorya ko naman 'yun ah! Gumawa ka din ng iyo yung may happy ending kung gusto mo. Buti nga 'di ko pinatay yung isa sakanila eh" dagdag ko pa

"Waaah! Bat mo naman papatayin----"
"Isa pang tanong Jasha at baka ikaw na ang patayin ko!" Banta ko naman kaya natahimik ang gaga.

Ha! Dapat lang lanina pa siya ngawa ng ngawa jan di na siya nakakatuwa buti naman kung hindi ko natatanaw yung bulok nyang bagang jan!

"Kamusta girls!" Bati ng bagong dating na si Mike at umupo naman siya sa upuan sa harap ko.
"Eto, sawi pa rin Mike." Madramang sagot ni Jasha

"Oh anyare naman sayo Jasha?" Natatawang tanong ni Mike sa akto ni Jasha
"Eto kasing si Mariella, eh! Pinaghiwalay ba naman si Jarius at Medine? Ang bitter ng gagang to eh! Waaaaah!" Tinignan ko naman ng masama si Jasha.
"Ngawa ka ng ngawa, sa harap pa ni Mike! Mahiya ka naman jan sa bagang mong inuuod na Jasha!" Saad ko sabay irap kay Jasha. "Wag mo nalang intindihin yan Mike. May problema na yan sa utak eh."

"Hahaha! Nabasa ko din yung wakas nung istorya mo Ella eh. Hindi na nga ako nagulat na hindi nanaman happy ending yun eh." Natatawang wika ni Mike. "By the way, may bago kang sinusulat Ella?" Tanong nito.

"Talaga ba, Mike? Baga sad ending nanaman yan Ella ah! Wasak na wasak na ang puso ko sa mga istorya mo eh." Sabat ni Jasha

"Edi wag kana magbasa sa istorya ko! 'Di naman kita pinipilit na magbasa eh. Ikaw nagkukusa na magbasa ah, gagang 'to!" Napanguso naman si Jasha sa sinabi ko.
Ngunguso-nguso ang gaga akala mo naman ang kyot eh, mukha kaya siyang pato sa haba ng nguso.

"Eh kahit naman kasi hindi happy ending ang mga story mo Ella ay maganda pa rin. Magaling ka kasing magsulat kaya madami ka pa ring tagapagbasa." Saad ni Mike

Tama siya. Kahit lagi kong napapaiyak ang mga mambabasa ko ay madami parin sila.
Hindi ko nga alam kung bakit mas lalo pa silang dumarami eh.

Kilala akong author ng tragic stories sa wattpad.
Madami nang libro na naisulat ko ang napublish sa iba't-ibang publishing company.
Nagpapasalamat ako dun dahil dun ako kumukuha minsan ng pang-tuition ko sa school.
Isa na akong graduating student ng Engineering ngayong taon.

Wala na akong tatay at hindi ko alam kung anong nangyare sa kanya dahil hindi naman sakin kinukwento ng mama ko at ng kuya ko. Hindi na rin naman ako nagtanong dahil sabi ni mama, "Wag na nating intindihin ang mga taong wala na at wala ng balak na bumalik pa. Ang gawin natin ay mabuhay sa buhay natin ngayon na walang iniintindi mula sa nakaraan." Gusto ko mang magtanong pa ay pinilit kong hindi na dahil baka sapukin pa ako ni mama.

Nakita kong merong pumasok sa shop na pinagpa-part time'an job ni Mike. Katulad ko ay graduating na din si Mike kaya nagwoworking student siya ngayon lalo na't ulila na siya at matanda na din ang lola niya na kasama niya sa buhay niya ngayon.

"Oh wait lang girls ah, may costumer kasi eh." Paalam ni Mike.
Tumango lang kami ni Jasha sakanya.
Taga-serve si Mike dito sa café na to.

"Oy, Ella sibat na ako ah? May family dinner pa kami kasi dumating na si papa galing sa out of town business niya eh. See you nalang sa school bukas." Pagpapaalam naman ni Jasha sakin.

"Oh sige na gaga, ingat ah tanga ka pa naman." Wika ko

"Salamat Ella ah?" Sarkastikong sabi niya "Sino kayang mas tanga sa'ting dalawa? Hahaha" tatawa-tawang tanong niya

"Heh! Lumayas kana nga!" Inirapan ko ang gaga. Kung ano-ano pinagsasabi eh.

"Hahahahaha sige na babush." "Mike, alis na ko ah?" Tumango naman si Mike kay Jasha.

Tiningnan ko naman habang naglalakad na palabas ng shop si Jasha kasi baka biglang madapa sa semento sa labas masungalngal pa at mabungi pa ang bulok niyang bagang.

"Hi miss, can I sit here?" Tanong ng isang lalaki saakin.
Ito yung kakapasok lang na costumer.

Tumingin naman ako sa loob ng shop at nakita kong wala na ngang mauupuan itong costumer. Malapit na kasi ang Valentines ngayon kaya madaming couples ang nandito lalo na't sweets ang tinitinda dito sa shop na pibagtatrabahuhan ni Mike kaya punuan sila ngayon.

"Ay sige po kuya. Wait lang ililigpit ko na 'tong gamit ko para dito kana umupo." Sabi ko at sinara na ang laptop ko at ipinasok na ito sa bag ko.

"Okay lang ba miss? Sorry wala na kasing ibang available na upuan eh." Tanong niya. "Ay hindi, okay lang. Tapos na naman akong magkape eh." Sagot ko.
"Mike! Alis na ko ah! See you bukas sa school!" Paalam ko kay Mike.
"Magkakilala pala kayo nung cashier dun?" Nakangiting tanong ng lalaki.
Bakit 'to nakangiti sakin? Ay feeling close si koya.
"Ay oo classmate ko siya. Sige alis na ko, bye." Sabi ko at lumabas na ng shop.

Sa harap na ng shop ako nag-abang ng jeeo na masasakyan.
Agad namang may huminto kaya sumakay na ako.

Nang nasa loob na ako ay tumingin ako sa loob ng shop kung saan ako nakapwesto kanina at nakita kong nakatingin naman sakin yung lalaki.

Nang makita nitong nakatingin sa gawi nita ay agad itong ngumiti.
Para di ako magmukhang masungit ay ngumiti din ako.

Gwapo ang lalaki at matangkad. Mukha siyang foreigner sa totoo lang pero wala akong pakialam.

Dahil lahat ng lalaki ay sasaktan ka lang, papaasahin, papaiyakin at lolokohin, tandaan ng yan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 18, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Greatest TragedyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon