First day of school na naman, kaya medyo magulo pa ang aura ng paligid ng campus namin.
may mga nagtatakbuhan pa, nagtitipon sa gitna ng quadrangle at may mga studyante ding nakatambay sa hallway at nagchichikahan.
Malaki rin naman tong skwelahan namin, may tatlong 6th floor building sa harap, at tag iisa iisa na sa gilid. this school was private at ang mahal mahal ng tuition, halos mayayaman lang ang makakapasok dito, Except sakin dahil scholar lang naman ako ng amo ko. and yes, I'm a working student dahil hindi kaya ng mama ko na buhayin kaming apat na magkakapatid. I've been working for 10 years, yung mama ko dati ay kasambahay ng amo ko kaso nagretired na si mudra kasi hirap na syang kumilos dahil matanda na. so back to reality.
Naglalakad akong mag isa sa hallway papuntang Dean office para makuha ang schedule ko at ID ko nang may makasalubong ako.
"look! a trash again?! Pano sila nakapasok dito? like dzuh! di dam ng basurahan tong campus no, why are you here?!" napairap nalang ako at nilampasan sila para wala nang gulo.
Pero bago pa ako makapasok sa Dean office ng may makita akong nagkagulo tapos lahat sila ay nagtatawanan na para bang may himalang nangyari.
isiniksik ko ang aking sarili para makita ang kaguluhan ng bigla kong maitakip ang aking mga kamay sa ilong ko dahil sa baho na nalanghap ko.
May nakaupo na babae sa gitna na punong puno ng basura,putik at ano ano pang dumi ang balot na balot na sa katawan nya. habang may tatlong babae naman ang nagtatawanan ng sobra habang ginagawa nila ang kagaguhan sa kawawang babae.
"Get lost Witch!" sigaw pa ng isa sa mga babae habang galit na galit na pinagbabato ang kawawang babae ng hilaw na itlog.
Tawang tawa ang mga studyanteng nakapalibut kasama ko habang ako ay nakatulala lang sa babae na nakatingin narin pala sakin at parang humihingi ng tulong.
Hindi ako nakakilos, para akong naistatwa sa kinatatayuan ko dahil sa buong buhay ko ngayon lang ako nakasaksi nang pambubully na ganito ka lala.
May biglang pumito sa likuran at isang iglap ay nawala na ang mga studyante sa paligid habang nanatili parin ang kawawang babaeng nakadapa sa sahig at punong puno ng dumi ang buong katawan. Ngayon ko lang rin napansin ang basag nyang salamin na nasa harapan nya, Isa pala syang nerd.
Lalapitan ko sana sya ng bigla syang tumayo saka mabilis na tumakbo patungo sa kung saan,Habang sinusundan ko sya ng tingin ay nandun parin ang mga studyanteng nagtatawanan, ang iba ay nandidiring lumalayo sa kanya at ang iba ay nakatingin lang sakanya.
Ilang minuto din akong nakatayo sa lugar kung saan sya binully nung mga babae at nang matauhan at makarecover sa nakita ko ay nagpatuloy na ako sa Dean Office.
"Kawawa yung babae no?"
Pagpasok ko sa loob ay marami nang nakapila na mga studyante at pati rin dito pinag uusapan nila ang kawawang babae kanina.
Napabuntong hininga nalang ako at pumila na rin saka binalewala nalang ang lahat.
ilang minuto rin akong nakapila at namamanhid na ang mga tuhod ko at sa wakas ay nakuha ko na ang ID at ang schedule ko.
Ng palabas na ako ng dean office ay muntikan na akong mapasigaw ng may bumungad na tao nung pagbukas ko ng pinto,Bumilis ang tibok ng puso ko ng hindi ko malaman ang dahilan, Nakakatakot ang aura nya at nakakatindig balahibo ang mga titig nya.Ngayon ko lang napagtanto na sya pala yung babae kanina, naka P.E uniform na sya ngayon at basa ang buhok nya na galing paligo lang ata.
Lumabas na ako ng tuluyan at sya naman ay pumasok na.
bigla akong nangamba at hindi parin mawala sa katawan ko ang takot.
Nang makapasok na ako sa bagong room na araw araw kong tatambayan ay hindi ko masasabing silid aralan ba ito o palengke dahil sa maingay at mga nagkakagulong mga studyante.
"uy! Hi miss!" bigla akong napalingon sa gilid ng bigla akong tamaan ng matigas na bagay sa ulo, at nang tiningala ko ito sa sahig ay nakalukot na papel pala.
Nakapa ko ang noo ko dahil a pagkirot ng sakit dulot ng pagtama ng matigas na papel na galing sa kung saan.
hindi ko na pinasin pa at naghanap nalang ng magandang pwesto na mauupuan saka tahimik na nag aantay ng guro.
nagsi ayusan na sila ng biglang may matandang babae na sa tingin ko ay nasa 50's na ang pumasok at puwesto sa harap at isa isa kaming pinagtitigan na parang Eni-scan nya kami base sa pagtitig nya samin.
Habang dinidiscuss ng teacher sa harapan ang rules and regulations sa classroom, ang lahat ay natigilan sa biglang pagpasok ng isang babae, nabaling ang lahat ng atensyon sakanya pati ang teacher ay napatigil sa pagsasalita at napatingin sa babaeng nakatayo sa may pintuan.
Nanindig bigla ang mga balahibo ko sa iglang pagtitig nya sakin, lumingon lingon pa ako sa kaliwa't kanan ko baka iba yung tinitigan nya pero ako talaga.
"The Witch!"
natigilan ako at napalingon sa likuran ko ng may isang babaeng nagsalita. What does she mean?
YOU ARE READING
THE NERD IS A KILLER
Mystery / ThrillerDON'T YOU DARE TO BULLY THE NERDS. NERDS OUTSIDE BUT, DEVIL INSIDE.