"Don't break up with me. Please... please... I love you so much. And sabihin mo naman oh! Ano bang nakakaumay sa akin?" Nagmamakaawang sabi sa akin ni Alyssa, isa sa mga syota ko, habang papalakad na ako palayo.
Iniwan ko na lang siya doon. Madami pa naman akong syota. Nakakaumay na kasi siya.
Bigla namang may sumulpot na babae sa tabi ko.
"Hey! Can I be one of your girlfriends?"
Paglingon ko. Napanganga ako. Ms. Intrams pala namin noong isang taon yung nagsalita sabay kindat pa siya.
"Sure. For a pretty girl like you. Can I have a kiss?" Sagot ko sa kanya. Tinginan naman yung mga tao. Syempre isa ako sa mga sikat na manlalaro ng basketbol dito sa unibersidad namin tapos kasama ko pa ang isa sa pinakamagagandang babae dito kaya sino ba namang hindi mapapalingon.
Hinalikan niya ako.
1... 2... 3... 4... 5... 6... 7... 8... 9... 10... 11... 12... 13... 14... 15...
Kaso bigla kong naalala...
"I can't believe it. You're such a lousy kisser! Stop it!" Napasigaw ako. Sinampal niya ako. Napahiya ba naman siya sa harap ng maraming tao. Kasi naman, hindi totoo sinabi ko, ang sarap nga, eh. Kaso wala na akong maisip na ibang palusot. Naalala kong pareho nga pala kaming "heartbreaker". Gulo ito kapag nagkataong naging kami.
"Bestfriend! Biruin mo yun? 15 seconds. Then, break na agad sila. So, is this a 15-second relationship? Pero di bale, pogi naman kasi talaga yang si Clarence!" Sabi nung chismosang nasa likod. Err.
"At ang galing galing pang magbasketbol di ba bestfriend? Tsaka "heartbreaker" nga diba. Kaya wag na tayo magtaka." Sagot naman nung katabi niya.
Umalis na ako doon sa eksena. Ang sakit kaya nung sampal niya.
Umuwi na muna akong bahay. Humiga. Nakinig na muna ng mga kanta.
When I was younger I saw my daddy cried and cursed at the wind
He broke his own heart and I watched as he tried to reach us simply
And my momma swear that she would never let her self forget
And that was the day that I promised I'd never sing of love if it does not exist
Darling, you are the only excep...
Hindi ko na lang tinapos yung kanta. Lumabas na lang ako ng bahay.
Nagduyan na lang ako sa kubo. Nakakainis lang kasi hanggang ngayon hindi pa din maalis sa isip ko yung kanta. Parang yung babaeng dating kinantahan ako niyan, yung kaisa-isang babaeng minahal ko sa buhay ko, na hanggang ngayon mahal ko pa din kahit na bigla na lang niya ako iniwan isang araw sa hindi ko malaman na dahilan. Mahal na mahal ko pa din si Olay.
Ako nga pala si Clarence. "Heartbreaker" turing nila sa akin. Kasi naman, pamula nung naghiwalay kami ni Olay, ang dami ko ng napaiyak na babae. Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit iniiyakan nila ako. Habol kasi sila ng habol sa akin. At dahil mapagbigay ako, napayag akong maging syota nila ako. Sayang naman kasi ganda nila. Tsaka matutulungan pa nila akong makalimutan si Olay, pareho lang kami makikinabang. Gagampanan ko naman trabaho ko bilang syota nila. Kaso nadating lang talaga yung oras na nauumay ako. Kaya ang laging dahilan kung bakit hinihiwalayan ko sila ay "Umay na ako". Madaming nakikipagbalikan kahit nga alam nilang hindi lang sila ang syota ko. Mahilig kasi ako mag-two time, three-time pa nga pero hindi ko naman ginusto. Yung mga babae namang napatol sa akin, payag na payag at ganyun daw nila ako kamahal. Maganda naman sila kaya hinahayaan ko na lang.