PLEASE PLEASE PLEASE...
COMMENT/ SUGGEST
READ
VOTE
BE A FAN
and
SHARE
Relationship is a connection between two people having the same feelings with each other. It does not exist because of the people who are in it, but rather it exist because of the same feelings they have shared together and that is what we called LOVE. Relationship is not only about the people loving each other, it's not only about the happiness that they shared, it's not only about the memories they treasured and cherished. But it is also about, Heartaches, sorrows, problems, that we must accept, because that is the consequences that we must overcome.
Ako si Rina, I have a perfect companion, a perfect best friend, a perfect brother, he's all I want, but there's one thing that we are imperfect at. And that's our relationship. Oo, Boyfriend ko siya, masaya kame, pero pag dating sa ilang bagay hindi kame magkasundo. Hindi naman sa perfectionist akong girlfriend, hindi naman sa mababaw ako, hindi naman sa demanding ako masyado, hindi naman sa lahat ng bagay kailangan tama ako. Kaya lang minsan, may mga bagay na hindi ko rin maintindihan sa sarili ko. May mga bagay na ang hirap tanggapin para sakin. Siguro ganun talga ang tao, porket alam nating mahal nila tayo ay nagiging mapagsamantala tayo. Hindi ko piniling magbago ng attitude kase akala ko na ok naman ang lahat, pero hindi pala. Masama ba kung mahalin ko siya ng sobra? Ang alam ko lang naman ay ang mahalin siya eh..
3 years na kame ni Jet sa August 20, at mag 3-3 years na din kaming on and off. Nung unang taon naman namen hindi naman kame ganito eh. Sobrang saya namen nung mga panahon na yon, halos ayaw na nga namen mawalay sa isa't isa, sobrang mahal ko siya at sobrang mahal niya ako. Halos sa lahat ng bagay ay magkasundo kami. At sa twing nag aaway kame, hindi namen pinapalipas ang isang araw nang hindi kami nagkakaayos. Sabay namen iniisip yung Future naming Dalawa na magkasama. Super sweet namen date, at masasabe kong isa kame sa mga perfect couple noon. Pero unti unting nagbago ang lahat, naging magulo ang mga bagay bagay, nawala yung dating matamis na lambingan, nawala yung dating JET, nawala yung dating RINA at nawala yung PAGMAMAHAL.
Nagsimula ang unang taon namen ni Jet ng masaya, pero nung pangalawang taon na ng relasyon namen, dito na unti unting nanlamig ang pagmamahal sakin ni JET. Laging nagsasalubungan ang galit namin. Date tahimik lang siya sa tuwing nagagalit ako, at ang yakap niya ang paraan para magkaayos kame. Pero iba na ngayon, sa twing mag aaway kame, kung hindi sya magdadabog ay sinusumbat niya sakin ang mga bagay bagay na ginawa niya sa akin. Kaya tuloy hindi na kame magkasundong dalawa. Sa twing pinaghihinalaan ko siya ay lagi na lang siyang nagagalit. Masama bang protektahan ko ang relasyon naming dalawa? Masama bang ipakita kong nagseselos ako? Nagbago na si JET, hindi ko alam kung ano yung talagang tunay na rason kung bakit siya nagkakaganun, hindi ko alam na baka naiinis na siya sa ugali ko, sa pagiging demanding ko, sa pagiging selosa ko. HINDI KO ALAM ! :( nahihirapan na ako, nasasaktan na ko. Hindi ko alam kung may patutunguhan pa tong relasyon namen ni Jet.
Ako si Jet, I have a perfect companion, a perfect best friend, a perfect sister. She's all I want. But there's one thing that we are imperfect at. Yun ung relasyon namen. Oo, Girlfriend ko siya, pero hindi na ako masaya, hindi dahil sa sawa na ako sa kanya, o dahil hindi ko na siya mahal, MAHAL ko siya, kaso maraming bagay at tao na nagbibigay sakin ng dahilan para iwan ko na si Rina, at isa na siya sa mga taong yon. At hindi ako masaya dahil sawa na ako, sawa na ko the way she treated me na parang ako na yung taong may pinaka maraming kasalanan sa mundo. Napaka demanding ni Rina, too much na,, hindi ko kayang ibigay lahat sa kanya, hindi ko kaya isakripisyo lahat para lang sa kanya,, oo mahal ko siya, pero kailangan ko naman magtira para sa sarili ko. Simula nung naging madalas ang pag aaway namen ni Rina ay nawawalan na ko ng dahilan para ipagpatuloy ko pa pagmamahal ko sa kanya, dahil parang siya pa yung nagppush saken para layuan ko siya eh. Lagi niya na lang ako pinaghihinalaan, hindi ko alam kung bakit? dahil hindi naman ako nagloko sa kanya simula pa nung naging kame. Nahihirapan na ako, nasasaktan na ko. Hindi ko alam kung may patutunguhan pa ang relasyon namen ni Rina. Hindi ko na alam.