Secret Feelings Part 1

1K 16 1
                                    

                Ang pagmamahal, walang pinipiling panahon, antas ng pamumuhay at tao. Kung mahuhulog ka, mahuhulog at mahuulog ka. Kahit pa sabihin mong “Hindi siya ang aong gusto ko”.

            Ako si Diane, 20 na ako ngayon. 3rd year high school ako nong una ako magkaboyfriend. Si Jayson…. siya ang 1st boyfriend ko. Pero bago nagging kami maraming mga nakakatuwang pangyayari sa amin.

            Magkaklase kami ni Jayson, simula Elementary hanggang High school.. Tandang-tanda ko pa, sinabi ko sa sarili ko… “ never ako magkakagusto kay Jayson” bukod sa pilyo, palagi akong inaaway noong elementary pa kami.. para bang may nagawa akong kasalanan sa kanya at ganun na lang ang galit niya sa sakin… iniinis niya ako palagi , pinagtritripan ..Sayang.. gwapo pa naman sana. Mayabang lang at Pilyo.. nakakaturn-off para sakin.

            High School….. 3rd year … tinutukso ako ng bestfriend ko kay Jayson… sabi ko kay Kim, “wag mo nga kong tuksuhin sa taong nyan!! ayoko sa kanya.. pag ako nadevelop ! lagot ka sakin Kim! >__<  tinawanan lang ako ni Kim… si Jayson naman, ipinapakita sakin na hindi siya apektado sa mga tukso ni Kim at mukhang lalo pa niya akong nilalayuan. Wala naman akong nagawang kasalanan sa kanya. pero ganun ganun nalng ang galit niya sa akin. Ang awkward lang naman kase kaklase ko siya tapos sa lahat ako lag hindi niya pinapansin. Ako lang ang hindi kinakausap.

            Ngunit….. simula nong tinutukso na kami ni Kim, unti-unti niya na akong kinakausap. Nasabi ko tuloy na “seryoso din pala ‘tong kausap”. Kilala kase siya sa klase na talkative, mahilig sa trip at joker ….Hanggang isang araw, may bracelet siya, cross, gustong-gusto ko ang kulay kase black. at meron din naman akong ganun. kaso nga lang puti ang kulay. nagpalitan kami.. pinahiram niya ko at pinahiram ko din naman siya. Simula non madalas ko na siyang nakakausap..Hindi na rin siya naiilang sakin. 

            December….Christmas break.. Nagsisimba ako tuwing simbang gabi. Madalas kong makita si Jayson kase nagsisimba din sya kasama ang barkada niya.. . pagkatapos nang samba, kumain kami ng kaibigan ko sa isang kainan na malapit lang sa may simbahan habang hinhintay ko naman ang sundo ko… Dumating sila Jayson… kakain din… Nagtaka ako kase bakit nila ako tinutukso kay Jayson.. Si Kim lang naman yung tumutukso sa aming dalawa. Hindi naman siguro alam ng barkada ni Jayson yun.. Panay ang tukso ng barkada nila sa amig dalawa. Lalo tuloy akong nagtaka nong bigla nalang siyang umalis.. at nong sinabi ng isang kasama niya nagusto daw ako ni Jayson.

            Nasa bahay na ako nong may nagtext sakin. “Diane, gusto kita” si Jayson ‘to.. Hindi ako naniwala, wala naman siyang cellphone at number yun ng kaklase naming.. Humingi ako ng advice kay Kim. Sinabi ko sa kanya ang lahat ng nangyari sa labas ng simbahan.. “Ba ka nadevelop na si Jayson sayo”, sabi ni Kim…”Hindi naman siguro, malamang trip niya lang yun”, sabi k okay Kim..

            Pagbalik ng klase, New Year.. New Look na new look ako.. Pagpasok ko palang sa room naming, sinalubong na ako ng ngii ni Jayson. Hindi ko maintindihan ang ngiti na yun..At kung bakit siya nakangiti sa akin. Hindi naman kami close.. Tinutukso na naman kami ni Kim at lalong-lalo na ng closed friend ni Jayson. Para tuloy may bagay na hindi ko alam.. Nahihiya tuloy ako. Lalo na sa kanya.

            Outing………… may outing ang klase naming. Malamang, hindi lahat sasama, at hindi sasama si Jayson.. Sabi ni Kim, yayain ko daw si Jayson na sumama. Sinubukan ko naman. Parang enjoy kase siyang kasama.. Pumayag naman siya. Napapayag ko siya.. Habang na sa beach kami, nagkausap kami.. sinabi ko lahat ng saloobin ko sa kanya.. lahat ng kinaiinisan ko sa kanya. Nakinig lamang sya at nakangiti sakin.. hindi siya masyadong nagsasalita. Kahit hanggang pag-uwi naming. Tahimik lamang sya. Parang nawala ang kapilyuhan niya dahil sa mga sinabi ko..

            Sa room naming, kinausap ako ng kaklase kong si Patrick, may sinabi sya sakin na hindi ko alam kong maniniwala ba ako o hindi.Sabi ni Patrick sakin, matagal na daw may gusto si Jayson sakin. Nahihiya lang daw siyang aminin sa akin at ba ka mabasted daw siya. Hindi ako agad nanniwala, gusto ko kaseng si Jayson mismo ang magsabi sakin. Ang hindi nila alam matagal ko na ring gusto si Jayson. Hindi ko lang pinapahalata kase ayokong aminin sa sarili ko na nahulog ako sa kanya….Binigyan naman kami ng pagkakataon ng mga kaklase ko na magkausap kami ni Jayson na kamig dalawa lang. Hinayaan ko din syang magsalita. Matapos ang ilang araw, niligawan din ako ni Jayson.. Sinagot ko si Jayson dahil alam kong mahal ko siya at mahal niya rin ako…

Secret FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon