Bakla Nga Ba?

63 0 0
                                    

Magsisimula na ang aming last subject pero wala paring pumapansin sa akin. Noong inamin ko kay Hanna ang pagkatao ko ay walang kumakausap sa akin. Para silang na-shock sa nangyari, marami kasing nagkakagusto sa akin kaya lang bakla ako eh.

Nakaupo lang ako sa upuan ko buong araw, walang kausap dahil nandidiri silang lahat sa akin.

"Okay, class dismiss"

Tumayo na ako at kinuha ang bag ko. 

Palakad na ako patungo sa corridor at nakito ko siya....

"H-hi, Tyler" bati niya

"Hello" 'yun lang ang isinagot ko, nagui-guilty parin ako noong inamin ko sa kaniya ang lahat. Oo, si Hanna ang bumati sa akin.

Ano ba 'yan, Past is Past na ang motto ko ngayon :P

*

"Everyone, I want you to meet Tanya. She's a new transfer here in Ariane Academy." sabi ng teacher.

"Hello I'm Tanya Kaye Serio"

Bumati din kami sa kaniya at pina-upo na siya sa upuan niya at..

katabi ko siya.

Nginitian niya ako...

*Dug

Parang may tumunog sa dibdib ko. *gulp

Hindi Hindi Hindi, bakit naman ako magkakagusto sa kanya eh kapwa babae ko siya. Kung may gusto siya sa akin, okay lang dahil hindi niya naman alam.

"Now class, Tanya is new here so make friends with her." sambat ng teacher

"Okay, ma'am" sagot namin

Ang tahimik niya, naka-upo lang siya at nakikinig sa nagsasalita sa harap. Gusto kong kausapin si Tanya pero para saan pa? Walang gustong makipagkaibigan sa akin.

"Tyler?" sabi niya

"Uhmm, Paano mo--" tanong ko

"Nasa desk mo" sabi niya habang tinuturo ang name tag sa desk ko :D

"Ah, oo. Hi" bati ko

"Hi din, pwede ba kitang maging kaibigan? Wala talaga akong alam dito sa academy na 'to eh."

"Ha? Ah. Eh. Ano kas--"

"Okay lang kung ayaw mo." sagot niya habang nakangiti

"Ha?.. Puede kaya kitang maging kaibigan"

Gusto kong sabihin sa kanya na isa akong bakla, para naman ma aware siya. Pero 'wag nalang baka lalayo siya sa akin, siya lang naman ang nakipagkaibigan sa akin.

*

Naging magkaibigan na nga kami at makalipas ang ilang linggo, buwan at taon naging matalik na kaibigan na kami. Kapag sabay kaming maglakad, palagi nalang kaming pinagtitinginan ng mga kaklase ko. Hindi pa kasi alam ni Tanya na bakla ako.

Wala naman akong pakialam kung malaman niya eh, hindi naman kami mag jowa.

Pero..

Isa lang naman ang kinakatakutan ko...

Kapag kasama ko kasi siya, may kakaiba akong nararamdaman, parang may pumupulupot sa puso ko. Kapag nakangiti siya sa akin, mapapangiti din ako. Kapag nalulungkot siya, bigla nalang akong magagalit. Ayokong isipin 'yun dahil may puso akong babae.

Nagkakagusto lang ako sa mga lalaki noon, pero ngayon si Tanya lang ang iniisip ko. Bakit!?

"Psst, Tyler? Okay ka lang ba?" tanong niya sa akin. Nasa canteen kami ngayon, recess na kasi namin. Simula noong naging magkaibigan na kami ay sumasabay na siya sa akin tuwing recess or lunch. Masaya naman ako dahil may kaibigan na ako, pero hindi niya pa rin alam na bakla ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 13, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bakla Nga Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon